Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Galit ni Kris, humupa na

NAG-APOLOGIZE naman si Kris Aquino sa lahat ng parang nadamay sa ngitngit n’ya kay Korina Sanchez at sa Rated K dahil isinali nito si James Yap sa isang feature report n’ya sa show kamakailan.

Biglang parang diring-diri nga si Kris kay Korina dahil ni ayaw n’yang banggitin ang pangalan nito sa posting n’ya sa Instagram”Misis ni Mar Roxas” ang itinawag n’ya kay Korina na nagniningning ang kagandahan sa panahong ito dahil sa Thermage treatment n’ya sa klinika ng reyna ng retoke na si Dr. Vicki Belo.

Nagba­balik ABS-CBN pa lang si Kris matapos ang ilang taon ding pag-iitsapuwera sa kanya ng network na nagpasikat sa kanya nang husto.

Sa pamamagitan ng Star Cinema magaganap ang one-shot lang naman na balik-ABS-CBN involvement n’ya.

Wala naman sigurong mangangalampag sa Star Cinema na huwag na lang ituloy ang pagka-cast kay Kris sa I Love You, Hater dahil galit siya kay Korina. Kung pirmado na ang kontrata, ‘pag tinanggal nila si Kris, malamang na babayaran pa rin ng kompanya si Kris.

Sa ngayon, mukhang iniiwasan nga ng ABS-CBN na mag-isyu ng statement tungkol sa Rated K at sa ngitngit ni Kris.

(DANNY VIBAS)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …