“ENUNCIATE!” ‘Yan ang payo ng Pinoy Broadway star na si Lea Salonga sa mga Pinoy na nagtatrabaho sa mga call center. Isang payo na nag-viral na sa netizens: pinupuna, sinasang-ayunan, pinagtatalunan.
“Bumigkas ng malinaw” ang ibig sabihin ng “enunciate.” Huwag magsalita ng pa-wurs- wurs. Huwag nguyain ang mga pantig (syllables) na bumubuo ng bawat salita.
Nagtataray ba si, Lea o nagmamalasakit?
Nagmamalasakit siya, sa tingin namin.
Alam n’ya sigurong ang bansang nasa labas ng USA ang pinakamaraming call centers ay ang Pilipinas. Deretsahan na nga n’yang sinabi sa isang Twitter n’ya na sa tantya n’ya sa tunog ng pagsasalita ng call center agent na nag-voice mail sa kanya na wala siyang naintindihan sa sinabi na, ”a Pinoy trying hard to sound like an American.”
Malamang na may ibinibentang produkto o serbisyo ‘yung nag-voice mail. Matagal nang puwedeng mag-voice mail sa cellphone o mobile phone. At gusto nga siguro ni Lea na mag-reply duoon sa nag-voicemail, pero maaaring ‘di na n’ya ginawa ‘yon dahil wala nga siyang naintindihan sa nag-voicemail.
Posibleng alam na ngayon ng call center company na ‘yon kung sino ang ahente nilang tumawag kay Lea dahil sa ipinost n’yang “blind” (walang pangalan) complaint na ‘yon.
‘Pag may tatlo o apat ng nagreklamo laban sa ahente na ‘yon, malamang ay tanggalin na ‘yon sa trabaho—kaya nga siya parang wina-warningan na ni Lea.
Kung matutong mag-enunciate ng Ingles ng tama ang mga Pinoy na naghahanap ng trabaho, tapos man sila ng college o hindi, makahahanap sila ng puwesto sa call centers.
Halos walang tigil ang call center companies sa bansa sa pagri-recruit ng empleado.
Hindi naman malalalim at komplikado ang kailangang Ingles sa call centers. Sa typical call centers, may script (o guide) pa nga sa pakikipag-usap sa mga tumatawag.
KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas