Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robin, nanulak ng banyaga nang itulak ang Pinay

NAKABIBILIB ang pagmamalasakit ni Robin Padilla sa kapwa n’ya Filipino: nakunan siya ng video noong itulak n’ya ang isang banyagang Puti na siningitan ang isang Pinay para maunang makapag-selfie na kasama ang aktor. Hinawi niyong foreigner, na inireport din na lasing, ang Pinay.

Inireport ito ng news website na Coconuts Manila noong February 26 (Lunes) bagama’t noong Linggo (Feb.25) pa nangyari ang insidente sa lobby ng isang hotel sa Hong Kong na tumuloy si Robin pagkatapos  dumalo sa isang rally ng mga supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hong Kong Central. (Si Robin ay kilalang supporter ng Pangulo.)

May nakapag-video ng insidente at nag-upload niyon sa You Tube. As of March 2 ng umaga, may 101, 000 views na ang video.

Maririnig sa video ang malinaw, malakas, pero kalmado namang pagsasalita ni Robin sa banyaga, pagkatapos n’ya itong itulak, at sabihing, ”Don’t push her! Don’t do that to my countryman.”

Parang hindi naman lumaban ang foreigner. Pero biglang naputol ang video, kaya wala pang nakaaalam kung ano pa ang ibang nangyari pagkatapos itulak ng aktor ang banyaga.

Binanggit ng Coconut Manila na nagmensahe na sila kay Robin para humingi ng mga detalye sa kanya tungkol sa insidente. Habang isinusulat namin ito, wala pa kaming na-monitor sa social media na sagot ni Robin.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …