Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
kathniel Kathryn Bernardo Daniel Padilla la luna sangre malia tristan
kathniel Kathryn Bernardo Daniel Padilla la luna sangre malia tristan

Fans, nabitin sa ending ng La Luna Sangre

SADYANG inabangan ang pagtatapos ng La Luna Sangre nitong Biyernes, Marso 2 kaya naman trending worldwide ito at habang umeere ay ka-chat namin ang mga kaibigan at kaanak na nasa ibang bansa.

Buhay sa ending sina Tristan (Daniel Padilla) at Malia (Kathryn Bernardo) kaya sigurado kaming masayang-masaya ang KathNiel supporters dahil ito rin naman ang gusto nila, walang mamamatay sa dalawang bida ng La Luna Sangre.

Pero napansin ng mga ka-chat namin na bitin ang bakbakan nina Sandrino/Supremo (Richard Gutierrez) at nina Tristan (Daniel) at Malia (Kathryn) dahil tila kulang, walang masyadong sagupaan.

Sabi sa amin, ”bitin naman ang ending, walang spark. Hindi katulad noon nina Lia at Mateo? Walang masyadong ganap naging red lang mga mata nila.”

Sabi namin, baka kasi pagod na ang lahat kaya alalay na lang ang sagupaan dahil alam namang araw-araw ang taping na ang ipalalabas sa gabi ay kinukunan ng maghapon hanggang kinabukasan.

“Ah ganoon ba? Masyado lang kaming nag-expect,”  katwiran sa amin.

Oo nga, nabitin din kami sa totoo lang, Ateng Maricris.

Abangan natin ngayong araw kung ano ang nakuhang ratings ng La Luna Sangre The Apocalypse.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …