Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carlo, bumitaw na sa negosyo nila ng dating GF

MUKHANG malabo na nga talagang magkabalikan sina Carlo Aquino at ang ex-girlfriend niyang si Kristine Nieto dahil ang negosyo nilang food truck ay solong pag-aari na ng huli.

Noong magkarelasyon pa ang dalawa ay sila ang bumuo ng Big Bite Avenue Food Truck dahil nga ng mga panahong iyon ay bihira pa sa patak ng ulan na mabigyan ng project si Carlo at tanda naming sabi niya, ”para lang may iba akong pagkukuhanan ng income, siguro kailangan kong mag-business kasi puro indie films ang offer, alam naman nating mababa ang talent fee ‘pag indie.”

Naging word of mouth ang Big Bite Avenue Food Truck business kaya for a time ay dito naging abala si Carlo hanggang sa inoperan siya ng ABS-CBN ng seryeng The Better Half na naging hit at inabot ng ilang buwan sa ere.

At ngayong nakabalik na muli ang aktor sa showbiz at kaliwa’t kanan ang offer sa kanya sa pelikula, aminadong nawalan siya ng oras sa relasyon nila ni Kristine.

Bumitaw na rin si Carlo sa food truck business nila ng dating karelasyon kaya ngayon ay naisip niyang magtayo ng ibang business para maski paano ay may iba siyang pagkukunan kapag muling humina ang offer sa kanya.

Kinausap ni Carlo ang may-ari ng Beautederm na si Ms Rei Ramos Anicoche Tan para maging distributor ng produkto na isa rin siya sa endorser kasama sina Mat Evans at Sylvia Sanchez.

Si Mat ay operational na ang Beautederm store sa may Farinas Bus Station along Governor Forbes Manila.

At si Carlo ay naghahanap pa ng pagtatayuan ng store niya, ”nagpapatulong sa akin si Carlo kaya naghahanap nga kami ng magandang lugar,” sabi sa amin ni Ms Rei.

Kung tama ang dinig namin para maging distributor ay magsisimula ang puhunan sa P500,000 wala pa ang puwestong pagtatayuan.

Samantala, pina-pictorial na ni Ms Rei sina Carlo at Mat para sa Beautederm billboard nila.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …