Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino Trisha Duncan Ultherapy Rosanna Ocampo-Rodriguez Agoo Bengzon

Kris, inalok ng trabaho ang estudyanteng may Lupus

INALOK ni Kris Aquino ng trabaho sa kanyang KCAP company ang graduating student na si Trisha Duncan na nakatakdang magtapos ngayong taon sa kursong AB Philippine Studies in Mass Media sa De La Salle University.

“If you’re ever interested to join our team come June, maybe you’ll take a break, after that, maybe September. You’re very much welcome to become a part of our family because I champion people who do not let setbacks get them down,” sabi ni Kris kay Trisha sa ginanap na Ultherapy event kamakailan

Isa si Trisha sa ambassadress ng Ultherapy na ineendoso rin ng Queen of Online World at Social Media at sa ginanap na launching ng produkto ay napahanga ng dalaga si Kris dahil nalaman nito na maysakit siyang lupus at matagal na niya itong iniinda na nagsimula noong 2015.

Bumilib si Kris dahil kahit na maysakit si Trisha ay hindi naging hadlang para itigil ang pag-aaral at kahit maraming ginagawa bukod sa modeling ay name-maintain ang healthy lifestyle.

Nang marinig ni Kris ang kuwento ni Trisha ay sinabihan niya ang dalaga ng, ”Your positivity is really very inspiring. It’s not about vanity in your case and I think this is about empowerment. It’s taking back your life and saying that ‘No, life gave me this, life gave me these challenges but I’m going to rise above it.’”

Nag-post naman si Trisha ng kanyang pasasalamat kay Kris, ”Thank you for the kind words yesterday, Ms Kris! It means so much to me coming from you, the woman I grew up watching and idolizing. Still can’t get over the fact that I met you for the first time yesterday and starstruck po talaga ako (I was really starstruck) ‘cause you are truly beautiful in person.”

Inamin din ng dalaga na ang pag-alok ni Kris sa kanya ng trabaho ang nagbigay inspirasyon sa kanya para mapadali ang pagtatapos sa Hunyo.

“Thank you po sa (for the) offer with your team! Super kinilig ako (I felt really-flattered) and it motivates me to finish by June. Claiming it!!” say ni Trisha.

Anyway, bukod kina Kris at Trisha ay kasama rin bilang ambassadress ng Ultherapy sina Rosanna Ocampo-Rodriguez at Agoo Bengzon.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …