Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paolo Ballesteros Amnesia Love Albert Langitan Yam Concepcion

Premiere ng pelikula ni Paolo, ‘di nasipot ng Dabarkads

HINDI nakarating ang Dabarkads ni Paolo Ballesteros sa ginanap na red carpet premiere ng pelikula niyang Amnesia Love sa SM Megamall Cinema 7 nitong Lunes dahil mga puyat sa taping ng Lenten episode ng Eat Bulaga.

Say ni Paolo, “okay lang na wala sila, parati naman nilang suot ang Amnesia Love t-shirt, sapat na ‘yun, napapanood naman sa ‘Eat Bulaga’. At saka araw-araw nilang ipino-promote sa ‘Eat Bulaga’.

“Umaga na kasi sila natapos sa taping ng Lenten episode tapos may pasok pa kami, kaya naiintindihan ko na wala sila, lalo na sina Jose (Manalo), Wally (Bayola) at Maine (Mendoza).”

Inimbitahan naman ng aktor ang mga nabanggit kaya alam niyang hindi makararating dahil nagpasabi na.

Tinanong namin kung inimbitahan din niya ang mag-ina niyang nasa Baguio ngayon.

“Oo, pero hindi puwede kasi may pasok si bagets. Mapupuyat at Baguio pa sila manggagaling. I’m sure naman panonoorin nila itong movie sa Baguio,” katwiran ni Paolo.

May eksenang ikinasal sina Paolo at boyfriend niyang si Polo Ravales kaya tinanong kung pabor ang aktor na payagan na sa bansa na ikasal ang dalawang kasarian.

“Oo naman, bakit hindi,” nakangiting sabi nito.

At pabor din siya sa divorce bill na isinusulong ngayon, “para hindi na mag-suffer ang isa’t isa kung hindi na sila magkasundo, ‘di ba? Bakit patatagalin pa ang agony.”

Anyway, palabas na ngayon ang Amnesia Love sa lahat ng sinehan nationwide na prodyus ng Viva Films at idinirehe ni Albert Langitan.

Pawang halakhak ang mga narinig namin sa Cinema 7 habang pinanonood ang pelikula lalo na ang aming patnugot na si Ateng Maricris dahil puro katatawanan ang mga eksena nina Paolo bilang si Kimmer/Macky at Vandolph.

Tungkol sa pagiging bakla ni Paolo ang kuwento ng Amnesia Love na nagkaroon siya ng amnesia matapos maaksidente at napadpad sa isang isla na walang internet kaya ang mga tao roon ay hindi siya kilala.

Anak ng mag-asawang kumupkop kay Paolo si Yam Concepcion bilang si Doray na sa tagal nilang pagsasama sa isla ay nagkagusto siya sa guwapong binata na walang duda kung bakla o hindi.

Hanggang sa bumalik ng Maynila si Yam at saka ipinost ang litrato ni Paolo sa social media at dito nalaman ng kaibigan niya na nawawala nga at isa siyang bading na ayaw paniwalaan ng dalaga.

Pinakitaan ng mga ebidensiyang bakla si Paolo at hindi pa rin matanggap ni Yam kaya kaagad siyang bumalik ng isla para sabihing buntis siya sa takot na iwan siya.

Glossy at maayos ang pagkakalatag ng kuwento ng Amnesia Love at kung gusto ninyong mawala sandali ang problema ninyo at gusto ninyong maaliw ay bagay ang pelikula nina Paolo at Yam kasama sina Polo, Vandolph, Maricel Morales, Lander Vera Perez, Geleen Eugenio at iba pa mula sa Viva Films na palabas na ngayong araw, Pebrero 28.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …