Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Kompromiso’ solusyon ni Digong sa endo

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya kayang tuparin ang kanyang pangakong tuldukan ang “endo” o end of contract o contractualization sa bansa.

Sa talumpati ng Pangulong Rodrigo Duterte sa inagurasyon ng bagong shooting range ng ARMSCOR sa Buhangin, Davao City, sinabi niyang hindi kakayanin ng mga kapitalista na mabigyan ng kaukulang benepisyo ang mga manggagawa.

Sa inagurasyon ng shooting range ng ARMSCOR sa Davao City, sinabi ng Pangulo na pag-aaralan niya ang po­si­bleng kompromiso na magiging katanggap-tanggap sa sektor ng mang­gagawa at mga kapitalista.

Giit ng Pangulo, hindi niya mapipilit ang mga kapitalista na ibigay ang lahat sa mga obrero.

“I don’t think that I can really give them all kasi hindi naman natin mapilit ‘yung mga kapitalista na… kung walang pera o ayaw nila o tamad. Don’t make it hard for them to run the business the way they like it because that’s their money. So something of a compromise must be… maybe acceptable to everybody,” aniya.

Noong 2016 presidential elections, ipinangako ng Pangulo na wawakasan niya ang endo sa unang anim na buwan ng kanyang panunungkulan.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang lumang gawing …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara nitong Huwebes – ang …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …