Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathniel Daniel Padilla Kathryn Bernardo Frontrow RS Francisco
Kathniel Daniel Padilla Kathryn Bernardo Frontrow RS Francisco

KathNiel, ‘ginulo’ ang Frontrow event

NALULA kami sa sobrang dami ng tao noong Linggo ng hapon sa SMX Convention Center para sa Frontrow Universe event ng Frontrow at sa launching ng KathNiel bilang ambassador nito.

Ayon kay RS Francisco, isa sa may-ari ng Frontrow, ”Maraming nag-last minute na nagpunta. ‘Yung SMX nagagalit na dahil hindi na kasya, puno na, ang haba pa ng pila sa labas, paikot na. Nakapila na hanggang sa likod, nasa loading section na ang tao.”

Kaya naman nang ipakilala na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo bilang ambassador ng Frontrow, nagtakbuhan patungong stage ang tao. ”Nagtutulakan na. I had to intervene and stop kasi punong abala talaga ako sabi ko kakalimutan ko muna kung ano ako.”

At kahit nakaupo na ang mga Frontrow members, kitang-kita ang grabeng energy ng mga ito.

Hindi na nagawang umakyat pa nina Daniel at Kathryn para sana sa presscon sa Meeting Room 10 dahil nagkakagulo ang mga tao. Hinintay namin sila ng tatlong oras at umalis lamang kami nang sabihan kaming imposible na talagang makaakyat ang dalawa.

Ayon sa ilang blogger na bumaba sa Frontrow Universe event, nakatatakot ang sobrang dami ng tao na any moment ay puwedeng magka-stampede at puwedeng ikamatay ng mga naroroon.

Samantala, nagpahayag naman ng kasiyahan si Kathryn bilang pinakabagong endorser ng Frontrow, ”We’re very happy for being here tonight. Thank you so much dahil sa pag-welcome sa amin bilang bagong family. It’s a very special night working with RS and Boss Sam (Samuel Verzosa Jr., )and para makasama sa family na ito, were very excited para sa future project namin and excited na ako na mai-promote sa mas maraming tao pa.”

Masaya rin sa Daniel sa bagong endorsement na ito, aniya, ”Salamat sa pagbibigay sa amin ng pagkakataon na maging parte ng Frontrow, sa napakalaking pamilya na ito. Maraming-maraming salamat.”

Sa kuwento ni RS, Baby Kath ang tawag niya kay Kathryn dahil nakasama na niya ito before sa isang serye.”Kung dati inaalagaan ko na siya kasi kinakandong-kandong ko nga, ganoon din ang ibibigay na alaga ng Frontrow kay Kathryn. Mas aalagaan pa namin siya.”

 

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …