Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Enrico Roque The Significant Other Lovi Poe Tom Rodriguez Erich Gonzales

The Significant Other, tinutukan ni Mayor Roque

HALOS lahat ay binati si Mayor Enrico Roque dahil sa ganda ng The Significant Other na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Tom Rodriguez, at Erich Gonzales sa isinagawang premiere noong Martes ng gabi sa Trinoma Cinema.

Masayang-masaya si Mayor Roque, isa sa producer ng Cineko Productions, dahil naging maganda ang outcome ng sobrang pagod, pagtutok sa production, at pagpupuyat para matapos ang pelikula.

Sa sandaling pakikipaghuntahan namin sa mayor ng Pandi, Bulacan, naikuwento nito kung paano siya naging hands-on sa production side ng pelikula.

Bagamat aminadong hindi naman ganoon kalawak ang kaalaman sa technical side sa paggawa ng pelikula, ibinabase niya ang kanyang dunong sa mga napapanood na pelikula, local man o foreign.

Naikuwento pa ni Mayor Roque, blessings in disguise ang hindi nila pagkakasali sa nakaraang Metro Manila Film Festival dahil mas napaganda pa at naipasok ang mga suhestiyon ng magaling na direktor na si (RIP)Maryo J. delos Reyes.

Aniya, natuwa si Direk Maryo nang mapanood ang The Significant Other kaya marami itong itinurong technique kung paano pa lalong mapapaganda ang pelikula.

“Siyempre may mga suggestion kami kay Direk Joel Lamangan na galing din kay Direk Maryo. ‘Yung mga long shot ni Direk Joel, may ibinigay kami na mas maganda sigurong gawing close-up at naging maganda naman,”sambit pa ng mayor.

Buong pagmamalaki ring naikuwento ng magaling na mayor na suhestiyon niya ang naging ending ng The Significant Other. Ang ending dapat ni Direk Lamangan ay tanging si Tom ang makikita sa closing. Pero ang nangyari, tag-iisang frame ang tatlo na parehong umalis na nakakotse sina Lovi at Erich at masaya namang nagmumuni-muni si Tom.

“Hindi ba mas maganda ang lumabas?!” anang mayor. ”Inihabol talaga namin ‘yung dapat sabay na sabay ‘yung pag-alis ng sasakyan nina Lovi at Erich tapos ‘yung frame ni Tom,” dagdag kuwento ni Mayor Roque.

Sa kabuuan, maganda ang The Significant Other dahil hindi ito tulad ng mga napapanood nating agawan ng asawa na maingay, away dito, away doon, at maraming dakdak. Dito, ayon nga kay Mayor Roque, sosyal na agawan ng asawa dahil hindi bulgar o maingay.

Matino rin ang pagkakadirehe ni Lamangan at dapat ding palakpakan ang writer nito dahil magaling ang pagkakasulat.

Palabas na sa 170 cinema ang The Significant Other sa kasalukuyan handog ng Cineko Productions at ipinamamahagi ng Star Cinema.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …