IPINALIWANAG ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na biktima siya ng “fake news” kaugnay sa pagkakadawit sa kontrobersyal na frigate deal.
Sa imbestigasyon ng Senado, binigyang diin ni Go na hindi siya nakialam sa kontrata at natapos na ang bidding noon pang bago natapos ang termino ng nakaraang administrasyon.
Aniya, kaya nais niyang ipatawag din sa Senado ang Rappler at Inquirer na naglabas ng nasabing balitang nakialam siya sa kontratang nagkakahalaga ng P15.5 bilyon.
Aminado si Go na mahirap sagutin ang bintang na wala siyang kinalaman.
Inihayag ni Go, ang reklamo hinggil sa frigate deal ay isa lamang sa libo-libong reklamong natatanggap nila sa Malacañang at iniendoso sa mga kinauukulang ahensiya.
Naniniwala si Go na ang kontrobersiya ay layuning harangin ang implementasyon ng mahalagang security program ng gobyerno at tiyaking mabibigo ang administrasyon.
(CYNTHIA MARTIN)