Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
sharon cuneta Duterte

Sharon, nasa cloud 9 dahil sa mensahe ni Digong

ANG saya-saya ni Sharon Cuneta sa mga araw na ito. Bukod sa nataranta ang madla sa pagkagusto sa reunion TV commercial nila ng ex-husband n’yang si Gabby Concepcion, pinadalhan pa siya ni no less than President Rodrigo Duterte ng video greetings.

Agad ngang ipinost ng megastar ang video na ‘yon sa kanyang  Instagram na @reallysharoncuneta, must be feeling like she’s on cloud nine right now. Noong 4:35 p.m. ng Sunday ( Feb. 11) nakatanggap na ng lagpas sa 900,000 views ang video. Malamang na lagpas na sa isang milyon ang nag-view ng posting na ‘yon habaang binabasa n’yo ito.

Naiintindihan naman ni Sharon kung bakit siya pinagkaabalahan ni President Digong para padalhan ng mensahe. Close friends pala sina Sharon at Sarah Duterte, ang anak ng Pangulo na meyor ng Davao City. Ini-reveal ni Sharon na mula pa pala noong 2011 sila magkaibigan ni Inday Sarah.

Alam naman ni Sen. Kiko Pangilinan, ang mister ng megastar, na kaibigan n’ya ang anak ng Presidente at mismong ang Presidente ay iniidolo nito.

“I will treasure the President’s message forever,” tahasang pahayag ni Sharon sa Instagram n’ya.

Siyempre pa, ‘di kaila kay Sharon na bale ang mister n’ya ang itinuring na lider ng oposisyon ngayon. Pero sinabi rin n’ya sa Instagram n’ya na “apolitical/unpolitical” siya.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …