Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Daniel Padilla Liza Soberano Robi Domingo lizniel Kathryn Bernardo kathniel Enrique Gil Lizquen

Pag-uugnay kina Daniel at Liza, ikinagalit ng fans

NAGALIT ang ilang mga tagahanga nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo gayundin ang mga tagahanga ng loveteam nina Liza Soberano at Enrique Gil kay Robi Domingo.

Ito ay dahil sa tila panunukso ni Robi kina Liza at Daniel. Nagsimula ito nang i-upload ni Robi sa kanyang Instagram stories noon ding araw na ‘yon ang maikling video ng pakikipag-usap niya kay Liza sa backstage ng ASAP noong Linggo, February 11.

Habang nakatutok ang kanyang cell phone camera kay Liza, biglang ibinaling ni Robi kay Daniel, na nakaupo sa bandang gilid nila. Ngumiti lang si Daniel nang itutok sa kanya ni Robi ang camera. Pagbalik ng camera kay Liza ay tinanong ni Robi ang dalaga ng: “May sinasabi ka?”

Hindi naman nakasagot si Liza sa tanong na ‘yun ni Robi. Clueless kasi siya kung ano ang ibig sabihin ng binata.

Dahil nga sa video na ‘yun, na naging dahilan para magpadala ang mga nagalit na fans ng KathNiel at LizQuen ng kung ano-anong masasakit na mensahe laban kay Robi. Kaya naman binura na lang ni Robi ang  video sa kanyang IG account.

Pero may nakapag-upload niyon sa YouTube. At ginawan na ng kuwento ang video. At grabe ang panlalait sa kanya, huh! Tinawag siyang walang bayag, dahil hindi raw niya napanindigan ang video na in-upload niya at tinawag din siyang bakla.

Na baka nga naman may gusto siya kay Daniel.

Pero may nagtanggol din naman kay Robi. Ang sabi ng isang netizen, huwag bigyan ng malisya ang ginawa ni Robi. Joke lang naman ‘yun ng ex ni Gretchen Ho.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …