INAASAHANG tututukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagharap sa Senado ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go sa Lunes kaugnay sa isyu ng P15.7-B Philippine Navy frigate project.
“I would think so. He would be very curious as to what will happen to that hearing. I’m sure it will be televised,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa press briefing kahapon sa Palasyo hinggil sa naturang Senate probe.
Bilang suporta aniya sa kapwa serbisyo-publiko, sasamahan ni Roque si Go sa pagdalo sa Senate hearing.
Nauna rito, hiniling ni Duterte kay Go na tutulan ang anomang hakbang para idaos ang pagdinig sa executive session dahil may karapatan ang publiko na malaman ang buong katotohanan sa usapin.
Matatandaan, ina-kusahan si Go na nakialam sa frigate project contract lalo sa pagpili ng supplier sa combat ma-nagement system ng mga barko na itinanggi ng SAP kaya’t nagpas-yang magpunta sa pagdinig upang linisin ang kanyang pangalan.
Iginiit ng Palasyo, imposibleng manghimasok si Go sa kontrata dahil naikamada ito noong rehimeng Aquino.
(ROSE NOVENARIO)