Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Erich at Lovi, nagkapikunan

ANG dami-daming running joke ngayon ng mga katoto sa tuwing may presscon dahil ginagaya nila ang mga dayalog sa mga pelikula tulad ng Meet Me In St. Gallen na, ”You don’t break hearts on Christmas, bawal ‘yun!”ito ang sinabi ni Carlo Aquino kay Bela Padilla.

Sa The Significant Other naman ay may dayalog na, ”Huwag mong bigyan ng katwiran ang kalandian mo!”sabi ni Lovi Poe kay Erich Gonzales.

Wala namang sinabihan pa ang dalawang aktres ng ganitong linya dahil hindi naman pa nila na-experience na may significant other ang mga naging karelasyon nila noon.

Sa linyang, ‘ano tingin mo sa sarili mo, perpekto?’ isa rin sa mga tumatak sa pelikula at dahil medyo bago ito ay natanong sina Lovi at Erich kung may nasabihan na sila.

“Wala po, siguro sa mirror lang, ha, ha, I’m just kidding. Why I’m always joking it’s not even funny.” Sabay seryosong sabi, ”I don’t remember saying that kahit kanino po.”

Baka naman si Lovi ang sinabihan ng mga naiingit sa kanya, ”not in front of me,” mabilis nitong aagot sa presscon ng pelikula.

At nang si Erich naman ang tinanong, ”wala pa rin po akong nasabihan at sinabihan ako.”

Baka naman ayaw lang aminin ng dalawa Ateng Maricris para hindi na lumaki pa ang isyu dahil tiyak na kakalkalin ng media kung sino-sino sila.

Anyway, nagkasakitan pala sa sampalan scene ang mga bida ng The Significant Other dahil gusto ni direk Joel Lamangan ay makatotohanan na inamin naman nina Dina Bonnevie at Snooky.

Sinubukang pekein ni Dina ang sampal niya kay Snooky dahil sa pakiusap ng huli na huwag lakasan, pero nahalata ni direk Joel kaya pinaulit ito ng pinaulit hanggang sa nagkasakitan nga ang dalawang middle-aged actresses.

Si Erich ay umaming may sakitang nangyari sa kanya pero ang maganda niyang paliwanag, ”Artista po tayo kapag may mga ganoong eksena, kailangang prepared po tayo, alam n’yo na magkakasakitan, given na po ‘yun basta para po sa amin (Lovi), gusto lang naming maging totoo at mapaganda po ang eksena at maibigay kung ano ‘yung hinihingi ng istorya,” aniya.

Nasugatan ang significant other ni Tom Rodriguez sa pelikula, ”dapat po kasi walang suot na jewelry or accessory. Siyempre may mga ganoon pangyayari na hindi maiwasang accident o pangyayari but all is well. Me and Lovi we’re super okay, we’re good friends and hindi naman po ako napikon, parte po iyon ng trabaho. Kung ano po ang hinihingi (eksena), we’re just delivered po.”

Nabanggit din na idolo ni Erich si Lovi at tawag nga niya sa GMA actress ay ‘Lodi.’

Say ni Erich, ”Lodi in so many ways kasi po, inspiration, healthy, like pa-vorta work out ganyan, kaya Lodi, Lovi’ Idol ko. And sobrang masaya po ako kasi nagkaroon ako ng chance na makapagtrabaho sa iba. At wala kaming naging problema sa isa’t isa off-cam.”

Kapamilya actress si Erich kaya naman unang beses niyang maka-trabaho sina Lovi at direk Joel bagay na ipinagpapasalamat niya.

“Masaya po ako dahil nabigyan ako ng ganitong oportunidad, marami akong natutuhan sa kanya at may ibang estilo po siya. Gusto ko rin pong maka-experience na makatrabaho ang iba’t ibang actors at direktor sa ibang network,” say ng dalaga.

Mapapanood na ang The Significant Other sa Pebrero 21 mula sa Cineko Productions at Star Cinema.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …