INAPRUBAHAN ng Sangguniang Panlungsod ng Caloocan ang P2 milyon financial assistance para sa lungsod ng Tabaco at bayan ng Malilipot sa lalawigan ng Albay bilang tulong sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Mayon.
Ayon kay District 1 Councilor Aurora “Onet” Henson, dalawang resolusyon ang inilabas ng Sangguniang Panlungsod upang makapagbigay ang pamahalaang lungsod ng tulong sa pamamagitan Mayor Oscar Malapitan, sa pagpapalabas ng tig-P1 milyon pondo bilang ayuda dalawang lugar na labis napinsala ng pagsabog ng bulkan.
Sinabi ni Betsy Luakian, secretary ni Mayor Oscar Malapitan, tseke ang kanilang ibibigay para malaya ang mga lokal na pamahalaan sa dalawang lugar na maibigay sa kanilang mga nasasakupan ang mga pinaka-importanteng pangangailangan.
(JUN DAVID)