Friday , April 18 2025
mayon albay

2,000 Albay residents dinapuan ng acute respiratory infection

HALOS 2,000 residente sa lalawigan ng Albay ang dinapuan ng respiratory infection (ARI) bunsod nang pagbuga ng abo ng nag-aalborotong Mayon Volcano, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa inilabas na ulat nitong Linggo, sinabi ng NDRRMC, mula sa bilang na 516 ay umakyat sa 1,972 ang bilang ng mga dinapuan ng nasabing sakit.

Ayon sa ahensiya, ang bilang ng mga residenteng dinapuan ng ARI ay kumakatawan sa 66 porsiyento ng 2,997 katao na pinagkakalooban  ng atensiyong medikal ng mga tauhan ng Department of Health sa lalawigan simula nitong 15 Enero, isang araw makaraan ang dalawang magkasunod na pagsabog ng Mayon Volcano.

Sa 2,977 katao na pinagkalooban ng atensiyong medikal, 459 ang may lagnat at 272 ang hypertensive. At kabuuang 149 katao ang may sugat at 106 ang nakararanas ng diarrhea.

Karamihan sa kanila ay nananatili sa mga evacuation center.

About hataw tabloid

Check Also

Ngayong Semana Santa
TRABAHO Partylist, kaisa ng mga manggagawa Giit, karampatang holiday pay at benepisyo

SA GITNA ng paggunita ng sambayanang Filipino sa Semana Santa, ipinahayag ng TRABAHO Partylist ang …

Philanthropist Cecille Bravo binigyan ng laptop dalagang may Chronic Kidney Diseased

Philanthropist Cecille Bravo binigyan ng laptop dalagang may Chronic Kidney Diseased

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang maiyak ng Phililanthropist and Businesswoman na si Ms Cecille Bravo nang ibigay ang …

ER Ejercito Comelec

Overspending case ni dating Laguna Gob ER Ejercito ibinasura na ng Comelec En Banc

DINISMIS na sa wakas matapos ang 12 taon ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang kasong …

Sarah Discaya

Kampo ni Sarah Discaya, Mariing Itinanggi ang Anumang Paglabag sa Batas Kaugnay ng Isyu sa British Passport

MAYNILA — Nilinaw ng legal counsel ni Pasig City mayoral candidate Sarah Discaya na wala …

Blind Item, Mystery Man, male star

Hunk actor suki sa mga political rally kahit ‘di feel ng publiko

I-FLEXni Jun Nardo MAINSTAY na yata ang isang hunk actor na paminsan-minsan eh kumakanta rin sa political …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *