Sunday , October 13 2024

Narco-politician na pinsan ng senador, itatapon pabalik sa bansa (Kapag inasunto sa droga)

INAMIN ng Palasyo, may isinusulong na imbestigasyon kay dating Iloilo City Mayor Jed Mabilog, isa sa mga tinagurian ni Pangulong Rodrigo Duterte na narco-politician at pinsan ni Sen. Franklin Drilon.

“Let’s just say, there’s an ongoing investigation. If they decide to file a case, extradition of course is the option – because he’s out of the country,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa press briefing sa Iloilo kahapon.

Ang pahayag ay ginawa ni Roque ilang araw makaraan sabihin ni Pangulong Duterte na itinuturing niyang kaibigan si Drilon.

Matatandaan, binantaan ni Pangulong Duterte si Mabilog na susunod na haharapin ng mga awtoridad makaraan ma-neutralisa sina Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr., at Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog.

Mula nang napabalitang matatalaga sa Iloilo City si Chief Insp. Jovie Espenido ay nagpunta sa ibang bansa si Mabilog at kanyang pamilya at hindi na bumalik hanggang lumabas ang desisyon ng Ombudsman na nagpa-patalsik sa kanya sa puwesto.

Si Espenido ang chief of police sa Albuera at Ozamis nang mapatay sa police operations sina Espinosa at Parojinog.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Win Gatchalian DepEd MTB-MLE

MTB-MLE agad ipinatitigil ni Gatchalian sa DepEd

NGAYONG mandato na ng batas na hindi ipagpapatuloy ang paggamit ng mother tongue bilang medium …

Produksiyon ng sutla pinalawak sa Laguna

Produksiyon ng sutla pinalawak sa Laguna

PINALAWAK ng Department of Science and Technology – Philippine Textile Research Institute (DOST-PTRI) SEDA Pilipinas …

Alan Peter Cayetano DENR

Cayetano sa DENR  
RECLAMATION PROJECTS TUTUKAN

DAPAT magsagawa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng komprehensibong pagsusuri sa mga …

101324 Hataw Frontpage

GEA-3 pricing mechanism hinimok sa ERC, isapinal na

HINILING ng Senado sa Energy Regulatory Commission (ERC) na kanila nang isapinal ang presyo ng …

101324 Hataw Frontpage

Premyadong manunulat desmayado sa mandatong pagbasura sa MTB-MLE

HATAW News Team LABIS na ikinadesmaya ng isang premyadong makata at manunulat ang mandato na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *