Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
coco martin ang probinsyano

Coco Martin’s FPJ’s Ang Probinsyano extended sa taas ng ratings nagkamit pa ng parangal sa Walk on Water Awards 2018

BALI-BALITA noon na hanggang January ngayong taon ang “FPJ’s Ang Probinsyano,” ng Hari ng Telebisyon na si Coco Martin. Pero nang makausap ni kaibigang Reggee Bonoan na kapwa namin columnist dito sa pahayagang Hataw ‘D’yaryo ng Bayan No.1 sa Balita’ ay nabanggit sa kanya ng kind and sweet na business unit head ng Dreamscape na si Sir Deo Endrinal na naka-block hanggang July ang mga bagong sikat na artista na kinuha nila para mag-guest sa action-drama series ni Coco. At marami pang mangyayari sa serye kaya abangan niyo. Ibig sabihin ay extended pa ito at matagal pa ninyong mapapanood sa primetime bida timeslot ng Kapamilya network.

Sabagay sa husay ng creative team ng Dreamscape na kinabibilangan din ni Coco ay marami pang puwedeng talakayin  sa show lalo na’t hindi nauubusan ng issue sa ating gobyerno. Sa bagong episode nila ay target ng grupo (Vendetta) ni Cardo (Martin) si Mayor Jethro Garrido(Bernard Palanca) na isa na namang drug lord  na nambibiktima ng mga estudyanteng binebentahan ng droga ng kanyang mga tauhan.

Gustong patahimikin nina Don Emilio (Eddie Garcia) at Senator Mateo De Silva (Joko Diaz) si Alakdan dahil marami nang alam sa kanilang operasyon. Samantala pinarangalan ng Walk On Water Awards 2018 ang FPJ’s Ang Probinsyano bilang “Creative Breaktrough Long Form Category.”

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …