MALAKI ang pasasalamat ni Angeline Quinto kay Coco Martin sa ibinigay na papel sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil natutuhan niyang mag-drama at mag-emote.
Kahit isang singer si Angeline, puwede ng sabihing marunong siyang umarte. May komento nga na pinagbuti ni Angeline ang acting dahil marami ang nakatutok sa pagpasok niya sa eksena. Rati kasing si Yam Concepcion ang pinalitan niya at napuri ang acting.
Nagsilbing hamon kay Angeline sa pagpasok sa serye ang mga batikang artista tulad nina Ms. Susan Roces, Manoy Eddie Garcia, at ex-Senator Lito Lapid. Nakakahiya naman kung hindi niya pagbubutihin ang pag-arte.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales