Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coleen, ‘di nagpatalo kay Nathalie

PARANG tumutulong naman ang Kapamilya Network sa pagpo- promote ng My Fairy Tail bilang date movie ngayong Valentine season. May trailer ang pelikula sa entertainment websites ng ABS-CBN at nakapag-guest na sa ilang shows ng network ang lead stars ng pelikula na sina Janella Salvador at Elmo Magalona.

Tumutulong ang network dahil parehong Star Magic talents ‘yung dalawa. Pero hindi Star Cinema project ang My Fairy Tail. Co-production ‘yon ng Regal Entertainment ni Mother Lily with Idea First company ng mag-asawang Perci Intalan at Jun Lana.

Parang walang natapos na youth-oriented, general patronage movie ang Star Cinema para sa Valentine season this year. Kaya ayun, dalawang sizzling sexy films ang handog ng Star Cinema sa madla ngayong Love Month ng February.

Ang una ay ang Sin Island na, believe it or not, ay nagtatampok sa parang conservative stars na sina Coleen Garcia at Xian Lim (na kalilipat lang sa Viva Artists Agency). Pero kasama nila ang isang aktres na nalilinya na sa paghuhubad sa pelikula: si Nathalie Hart.

Pero kahit na si Nathalie ang parang mas maraming sizzling sex scenes with Xian, mas grabe ang role ni Coleen: pagtataksilan n’ya ang mister n’yang ginagampanan ni Xian. Tatakasan siya ni Xian, magtatago sa isang isla, na makikilala n’ya ang isang babaeng walang-takot maghubad at makipag-sex sa isang guwapo at matipunong estranghero na ipinaghihiganti ang kanyang pagkapindeho.

Makakasunod sa isla si Coleen. Makikipag-contest sa sexual passion sa character ni Nathalie. Isa sa kanila ang magbabantang papatay siya ‘pag nawalan siya ng lalaki.

Sa Valentine’s Day mismo magsisimulang ipalabas ang Sin Island, sa direksiyon ni Gino Santos, na bata pa, isang millennial na kaedad lang ng lead stars ng pelikula n’ya.

Malapit nang ikasal si Coleen kay Billy Crawford (na kalilipat lang din sa Viva as talent). Siguro naman ay alam ni Billy na gumawa ng sexy film ang girlfriend n’ya. ‘Di naman siguro magiging dahilan ang bold scenes ni Coleen sa Sin Island para ‘di matuloy ang kasal nila ni Billy.

Sa February 21 naman naka-iskedyul na magsimulang ipalabas ang The Significant Other na contest din ng dalawang sexy at passionate na mga babae na ma-solo ang pagmamahal at katawan ng isang lalaki.

Sina Lovi Poe at Erich Gonzales ang gumaganap sa dalawang babaeng maalab. Isa sa kanila ay ang misis at ‘yung isa ay kerida. Si Tom Rodriguez ang gumaganap na lalaking pinagnanasaan, pinag-aawayan.

Hot-blooded fashion models na mag-best friend ang mga papel nina Lovi at Erich. Doktor naman na laging sabik sa sex ang role ni Tom.

Sa direksiyon ng premyadong Joel Lamangan ang The Significant Other. Actually, gawa ng Cineko Productions ang The Significant Other. Star Cinema ang distributor.

May uncut trailers ang dalawang pelikula sa website na news.abs-cbn.com. Sana, directly or indirectly, ma-affirm ng dalawang pelikula ang dignity ng tao bilang lalang ng Diyos.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …