Jennylynย Mercado Xian Lim

Xian per project ang kontrata sa GMA

MA at PA
ni Rommel Placente

SISIMULAN na ng GMA 7 ang taping ng bago nilang teleseryeng Love..Die..Repeat  na pagbibidahan nina Jennylyn  Mercado at Xian Lim after ng ECQ (Enhance Community Quarantine) na nagsinula noong August 6 at magtatapos sa August 20. 

Excited na si Xian na gawin ang unang serye niya sa Kapuso Network. At excited na rin siya na makatrabaho si Jennylyn.

Kung gagawa man ng serye sa GMA 7 si Xian, hindi naman nangangahulugang under contract na siya sa nasabing estasyon. Ang pinirmahan niya lang kontrata rito ay para sa Love..Die..Repeat.