SQUID tactic ni Sen. Antonio Trillanes IV ang pagsusulong ng Senate probe sa umano’y ill-gotten wealth ni Pangulong Rodrigo Duterte para mailihis ang isyu palayo sa Dengvaxia scam at Mamasapano tragedy na sabit ang ‘benefactor’ niyang si dating Presidente Benigno Aquino III.
Sinabi ni Labor Undersecretary Jing Paras sa press conference kahapon, naniniwala ang grupo niyang Vanguard of the Philippine Constitution, na tumatanaw ng utang na loob si Trillanes kay Aquino dahil ang dating pangulo ang nagpalaya sa kanya sa bisa ng amnestiya mula sa pitong taon pagkakabilanggo.
Matatandaan, sinampahan ng kaso si Aquino sa Comelec sa paglabag sa Omnibus Elaction Code dahil pinayagan maglabas ng P3.5 bilyon public funds para bilhin ang Dengvaxia vaccine, 40-araw bago ang May 2016 national elections.
Habang kaugnay sa Mamasapano tragedy ay sinampahan si Aquino ng kasong graft at usurpation of authority sa Ombudsman.
ni ROSE NOVENARIO