Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, aliw na aliw sa karakter ni Sonya

ALIW naman itong si Sonya na karakter ni Sylvia Sanchez sa panghapong seryeng Hanggang Saan dahil nakakulong na’t lahat may lovelife pa.

Sa takbo ng kuwento ng HS ay nanliligaw sa kanya si Rommel Padilla (Jojo) at kahit nakakulong na si Sonya (Sylvia) ay hindi pa rin nawawala ang pagmamahal nito at hindi rin naniniwalang siya ang maysala sa pagkamatay ni Mr. Lamoste (Eric Quizon).

Kaya naman sobrang inaalalayan ni Rommel (Jojo) si Sonya (Ibyang) sa kulungan kapag may balitang ginugulo siya kaya inilipat na lang ng kulungan para walang gulo.

Sa takbo ng kuwento ay iniwan na ng tuluyan ni Anna (Sue Ramirez) si Paco (Arjo Atayde) kahit labag sa kalooban niya dahil kailangan niya itong gawin bagay na hindi naman naniniwala ang binata na hindi na siya mahal ng kasintahan.

Nagpaparamdam sa kanya si Atty. Georgette (Maxene Medina) na magbalikan sila pero mukhang na kay Anna pa rin ang puso ni Paco (Arjo) kaya waiting in vain ang abogada kung kailan magigising ang ex-boyfriend.

Marami na ang nakapapansin na may chemistry din sina Paco (Arjo) at Georgette (Maxene) kaya puwede silang loveteam din.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …