HALOS hindi na makilala ang bangkay ng 2-anyos babaeng paslit nang matagpuan makaraan maiwan sa nasusunog nilang bahay, sa Brgy. Kamuning, Quezon City, kahapon ng hapon.
Sa ulat ng Quezon City Fire, kinilala ang biktimang si Kyna Labasog, residente sa 8 K7 St., Brgy. Kamuning.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nagsimula ang sunog sa inuupahang bahay ng pamilya Nobregasa dakong 1:10 ng hapon.
Kasama ni Kyla sa bahay ang ilang kaanak ngunit nang magsimula ang sunog ay naiwan ang natutulog na paslit dahil sa kanilang pagkataranta.
Dakong 3:00 pm nang matagpuan ang sunog na katawan ng biktima makaraan ideklarang fire-out ang sunog na umabot sa ikaapat na alarma.
Tinatayang 11 bahay ang nasunog habang umabot sa P300,000 ang halaga ng natupok na mga ari-arian.
ni ALMAR DANGUILAN