Thursday , July 10 2025
QC quezon city

1,500 pamilya sa Payatas, magkakaroon na ng sariling lupa

IPAGKAKALOOB nang pamahalaang lokal ng Quezon City sa mahigit 1,500 pamilya ang mga lupang kinatitirikan ng kanilang mga tahanan sa loob ng mahigit 40 taon sa Payatas sa lungsod.

Ito’y matapos ipangako ni QC Mayor Joy Belmonte, muling tatakbo sa pagka-alkalde, sa mga residente ng Ramawil 9.6 Homeowners Association Inc., sa Barangay Payatas, may dalawang taon na ang nakalilipas.

Nilagdaan ni Belmonte  ang Deed of Conditional Sale ng mga lupain, kasama sina Ramon Asprer, head ng Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD), at Atty. Roderick Sacro ng Landbank of the Philippines, upang pormal na makuha ang 157 parsela ng lupain na dating pagmamay-ari ng Landbank.

Labis ang pasasalamat ni Ramawil 9.6 Homeowners Association Inc., president Razul Janoras sa QC LGU dahil sa pagbibigay sa kanila ng pagkakataon na magkaroon ng security of tenure sa lupain na tinitirahan nila sa loob ng apat na dekada.

Nabatid na nakombinsi ni City Administrator Michael Alimurung, HCDRD, at ng City Appraisal Committee, ang Landbank na i-settle ang halaga ng ari-arian sa P209,244,000, mas mababa sa orihinal na alok na P257,070,000.

Kasunod ng acquisition ng QC LGU, ang mga benepisaryo ay kailangan magbayad sa city government para sa lupa na kanilang inookupa sa pamamagitan ng direct sale program, sa halagang P3,000 kada square meter.

“Malaki po ang pasasalamat namin sa Landbank dahil you agreed to enter into negotiations with the city government para maibigay sa tao ang matagal na nilang tinitirahan na lupa,” dagdag ng QC Mayor. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

PAGCOR Online Betting Gaming Gambling

Panawagan ng online gaming operators
MAS MATALINONG REGULASYON SA LEGAL KAYSA IBULID SA BLACK MARKET

NANAWAGAN ang 14 lisensiyadong online gaming operators sa Filipinas na maglatag o bumuo nang mas …

Makati City

P8.96-B babayaran ng Makati
Mayor Nancy nais ibasura ‘Settlement agreement’ sa naudlot na subway project Imbestigasyon ikakasa

NAKATAKDANG maghain ng mosyon sa pag-atras at pagtutol sa Singapore International Arbitration Center (SIAC) ang …

Blind Item, man woman silhouette

Showbiz couple magkahiwalay ng kwarto 

I-FLEXni Jun Nardo HIWALAY na raw ang isang kilalang showbiz couple na may anak. Magkaiba sila ng …

Online Betting Gaming Gambling

Babala ng mga eksperto:
Pagbabawal ng online gaming kaduda-duda, black market lalakas pa

NAGBABALA ang isang kilalang ekspertong legal na maaaring lalong lumala ang epekto ng iresponsableng pagsusugal …

Senate Senado

SP Chiz may 16 pirma — JV

TIYAK na tiyak nang muling mauupo si Senate President Francis “Chiz” Escudero bilang pinuno ng …