MALAKI ang utang na loob ni Carlo Aquino sa Spring Films dahil pinagkatiwalaan siyang kunin bilang leading man sa pelikulang Meet Me In St. Gallen ni Bela Padilla.
“Sobrang laki ng utang na loob ko sa kanila kasi first time kong maging leading man sa isang pelikula. First time kong mag-shoot sa ibang bansa. First time kong makakita ng snow, first time kong makapunta ng Europe, first time kong makapamasyal.
“Kasi pagkatapos ng shooting ng ‘St. Gallen’, nag-extend ako, nag-travel ako, nagpunta ako ng Italy, nag-Christmas ako sa Venice mag-isa,” nakangiting sabi ng aktor.
Mag-isang naglibot si Carlo sa Italy, hindi ba siya nalugkot o may naalala man lang na sana mas maganda kung may kasama siya?
“Hindi naman ako nalungkot kasi may mga nakilala ako (Italy), kasi feeling ko naman ang inspirasyon hindi lang nanggagaling sa isang tao, makakakuha ka ng ibang inspirasyon sa ibang tao. Rito na ako nag-New Year, dumating ako ng December 30,” say pa nito.
Bukod pala sa pelikulang Meet In St. Gallen ay nabanggit ni direk Joyce Bernal na isasama rin niya si Carlo sa pelikulang gagawin ng Spring Films sa Marawi na ang working title ay Black is Night.
Bukod kay Carlo, kasama rin sa plano nina direk Joyce si JM de Guzman.
“Talaga? Hindi ko pa narinig ‘yan, ngayon lang,” nakangiting tanong sa amin ng aktor.
Gagampanan ni Carlo sa Meet Me in St. Gallen ang karakter na Jesse/Brad Pitt kasama si Bela bilang si Katie Perry na ipalalabas na sa Pebrero 7 mula sa direksiyon ni Irene Villamor produced ng Spring Films at Viva Films.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan