Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo, hinalikan ni Sue nang masugatan sa eksena

TRENDING sa social media ang video na mahigpit na magkayakap sina Sue Ramirez at Arjo Atayde dahil may sugat malapit sa labi ang aktor.

Ang intindi namin ay nasugatan ang aktor siguro sa eksena nila ni Sue kaya niyakap siya ng aktres sabay kiss sa may sugat at hayun, tinutukso na ang dalawa ng mga kasama nila sa Hanggang Saan serye na sina Teresa Loyzaga at Ces Quesada.

Narinig naming sabi ni Teresa na gumaganap na ina ni Sue sa HS, ”uy, uy, kilig-kiligan.”

At si Ces naman bilang yaya ni Sue sa serye na nag-puso sign sabay lapit sa dalawa at tawa lang ng tawa sina Anna (Sue) at Paco (Arjo).

Nakatutuwa ang mga komentong nabasa namin na talagang tinutukso nga ang dalawa at bagay  sila kaya kami naman ay nagkomento rin ng, ‘lagot!’

Kasi naman alam naman nating parehong ‘taken’ na sina Sue at Arjo pero sweet pa rin sila kapag off-cam sa set ng Hanggang Saan.

“Maraming pinagkukuwentuhan ‘yang dalawa na parang sila lang naman ang nagkaka-intindihan,” sabi ng taga-production.

Bigla tuloy naming naalala ang sabi ni Sue noong tuksuhin namin siya kay Arjo, ”may gf naman na si Arjo, ‘di ba?” 

Nakakaloka, si Arjo talaga ang inalala ni Sue? Hindi ba dapat sarili niya kasi nga may Boyband PH boyfriend na siya?

Hmm, baka naman kasi may developing story na sina Arjo at Sue sa totoong buhay at hindi lang bilang sina Anna at Paco sa kuwento ng Hanggang Saan?

Oh, well…let’s wait and see kung maganda ang development at quality na mabubuo kina Arjo at Sue, ano sa tingin mo Ateng Maricris?

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …