Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tension sa PGT, kinompirma ni Billy

NASA pangangalaga na ng Viva Artists Agency si Billy Crawford. Pumirma siya ng limang taong kontrata. Ultimate dream niya na makasama sa malaking concert si Sarah Geronimo. Gagawa rin siya ng album, pelikula bukod sa pagiging host sa Kapamilya Network.

Bilang host ng Pilipinas Got Talent, kinuha ang opinion niya sa pamba-bash ngayon kay Robin Padilla sa Korean contestant.

Naiintindihan niya si Binoe at naiintindihan din niya ang contestant. Hindi ito mababalanse dahil may mga taong sang-ayon at may mga taong hindi.

Basta sila ni Toni Gon­zaga, ang inaalagaan nila ay ang contestant. Kumbaga, binibigyan nila ng support ang contestant.

Hindi siya puwedeng magsalita para kay Robin ganoon din sa contestant.

Pero aminado siya na nagkaroon ng tension sa PGT noong mga oras na ‘yun.

‘Yung ibinabatong isyu ngayon kay Robin na racism, sexism, at rudeness ay nagyayari naman sa buong mundo.

“Kung gusto niyo makakita ng tunay na racism ay pumunta na lang kayo sa Amerika,” sambit pa niya.

Kahit siya ay na-experience niya ang racism, discrimination noong nasa Amerika siya.

“Si Kuya Binoe ang pinalabas lang naman niya ay payong ama, ‘di ba? Niyakap nga niya after. Kunwari, kung ako ang nakagawa niyon at binawi ko sa dulo at sinabi kong ‘welcome to the Philippines’, hindi siya bawi kasi matatakot pa rin ‘yung taong ganoon. Pero sa akin, at least nasabi ko sa ‘yo na gusto kitang tulungan na matutong magsalita kahit kaunti to communicate.

“Actually, noong unang punta ko sa France, for two years, hindi ako marunong magsalita ng French, hindi ako makakain, hindi ako makapag-usap kahit kanino at walang tumutulong sa akin  na magsalita ng English dahil walang marunong. So, ‘yung effort mo, ilalabas mo talaga as an artist,” deklara niya.

Naniniwala rin si Billy na below the belt na pati ‘yung anak nina Robin at Mariel Rodriguez ay idinamay. Nakikiusap din siya na ‘wag nang idamay ang pamilya ni Binoe dahil kahit tayo ayaw din nating pag-usapan ang pamilya natin.

Pero ang ending naman ay masaya pa rin ang nangyari sa Korean contestant dahil babalik ito sa next round kaya dapat ay mag-move on na.

Korek!

 

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …

Andres Muhlach Bagets The Musical

Aga pinaiyak ni Andres;  Charlene, Mommy Elvie kinabahan  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IBA-IBANG komento ang narinig namin sa pagbibida ni Andres Muhlach sa Bagets, The Musical. May …

Jordan Andres Omar Uddin Lance Reblando

Jordan, Omar, at Lance lakas ng kanilang henerasyon sa teatro

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGAGALING lahat. Ito ang nasabi namin matapos magparinig ng kanya-kanyang awitin …

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …