Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman man

Wala nang respeto!

MATAGAL na palang nagtitimpi ang isang lady director dahil sa kaartehan ng isang aktor na hindi niya malaman kung bakit masyadong nag-iinarte. ‘Di raw nagsu-shooting nang maayos at palaging may dahilan.

Minsan naman daw, lasing at lango sa alak kung kaya bitin na naman ang shoot nila.

Suffice to say, the actor is the cause of delay of their movie and the lady director is nearing the end of her tether.

Dati naman, maayos ang samahan nila at smooth-sailing ang kanilang taping.

Dahil nga sa good vibes ang set, naging top-rater lang naman ang nasabing soap at doon nga nagsimulang mag-zoom to greater heights ang kanilang popularity at naging isang veritable top-rater ang kanilang soap.

Pero nagbago nga ang lahat nang mag-flop ang kanilang follow-up soap at bumaba nang husto ang popularidad ng tambalan.

Anyway, to make a long story short, parang hindi na interesadong gumawa ng pelikula ang young actor dahil tipong nawalan siya ng paniniwala o sampalataya sa kanilang lady diredtor.

Inasmuch as he is not vocal about it, the mere fact that he seems not to be that interested to shoot, signifies his indifference to the capabilities of their lady director.

Well, huwag nang hintayin ng pasaway na aktor na lumala pa ang kanilang problema.

Siputin na niya ang shooting nila at tapusin ang pelikula hangga’t hindi pa napupuno ang kanyang lady director. Pero kung ganyang bad vibes ang kanyang ini-exude, baka sumemplang tuloy ang kanilang pelikula.

Most probably ay sesemplang nga kung ganyang uncooperative ang aktor at palaging may tililing sa ulo.

‘Yun nah!

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …