Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jodi, topnotcher sa Southville Int’l School and Colleges

TOP 1 student sa Psychology si Jodi Sta. Maria sa Southville International School and Colleges sa BF Homes International sa Las Pinas City nitong nakaraang term. Ang Grade Point Average n’ya ay 3.670.

‘Yan ay ayon sa sarili n’yang postings sa kanyang Instagram (@jodistamariaph) ilang araw lang ang nakararaan. Pinakunan n’ya ng litrato ang kanyang sarili na may hawak na certificate na nagsasabing siya ang topnotcher sa Psychology sa nasabing international school ng napakayayamang estudyante, kabilang na ang mga foreigner.

Ang certificate of excellence ay ipinagkaloob sa kanya ng faculty (mga guro) ng Psychology Department. Kasama ni Jodi ang ilan sa faculty members ng department sa pangalawang litratong ipinaskil n’ya sa kanyang IG.

Ibinalita rin n’ya na pampito (seventh) ang rank n’ya sa academic achievement sa buong college department.

Ma-maintain pa kaya n’ya ang ganoong ka-impressive na academic performance ngayong may bago siyang matinding teleserye sa Kapamilya Network?

Sa bago n’yang teleseryeng Sana Dalawa ang Puso, dual ang role n’ya, at katambal n’ya sina Robin Padilla at Richard Yap.

May mga nagsasabing kaya napakamaayos at napaka-produktibo ng buhay ni Jodi ngayon ay dahil sa ginawa n’yang pagpapatawad at pakikipagkasundo sa bale ex-husband n’yang si Pampi Lacson (anak ni Sen. Panfilo Lacson, na hindi pa annulled ang kasal nila.)

A few months ago, si Jodi at ang anak nilang lalaki (si Thirdy, na 12 years old na), pati na ang boyfriend niyang si Jolo Revilla, ay nakipag-dinner pa kay Pampi, na kasama naman ang girlfriend n’yang si Iwa Moto (dating aktres).

Samantala, ang mag-sweetheart na sina Liza Soberano at Enrique Gil ay schoolmates ni Jodi sa Southville. Wala silang postings sa Instagram tungkol sa academic standing nila. Kababalik lang nila mula sa pagbabakasyon-grande sa ilang bansa sa Europe, kabilang na ang Spain, na pinagmulan ng angkan ng pamilya ni Enrique.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …