Sunday , November 17 2024

Charo, magbibida sa Sixty in the City ni Lualhati Bautista

MUKHANG magiging big time na big time na talaga ang BG Productions International ni Ms. Baby Go ngayong 2018.

Anytime this year ay maaaring mag-usap si Ms. Go at si Charo Santos, ang babaeng ‘di-maitatangging isa sa moving spirit ng Pinoy entertainment sa napakaraming dekada bilang isa sa top executive ng Kapamilya Network.

Pag-uusapan nila ang pelikulang posibleng pagbidahan ni Charo. Posibleng ang Sixty in the City ang pelikula, na batay sa nobela ni Lualhati Bautista na may ganoon ding titulo. Tiyak na si Lualhati rin ang lilikha ng script ng pelikula.

Ang premyadong direktor na si Mel Chionglo ang namama-gitan sa posibleng pagbibida ni Charo. Siya rin ang nakatakdang magdirehe ng pelikula.

“Bago pa man gawin ni Charo ang ‘Ang Babaeng Humayo’ sa direksiyon ni Lav Diaz, nakausap ko na si Charo tungkol sa alok ni Mrs. Baby Go sa kanya na gumawa ng pelikula. Si Charo mismo ang nag-suggesst na tingnan namin ni Baby ang posibilidad na isa-pelikula ang ‘Sixty in the City’ ni Lualhati Bautista,” lahad ni Direk Mel noong press conference.

Hindi nabanggit, o maaaring ‘di lang namin narinig, pero malamang na na-inform na ni Direk Mel si Lualhati sa ser-yosong balak ng BG Productions na isapelikula ang nobela n’ya. Malamang din na anytime now ay i-announce ni Ms. Go na nabili na ng kompanya ang film rights ng nobela ni Lualhati.

Ang nobela ay tungkol sa buhay ng tatlong babae na taga-siyudad at 60 and above na ang mga edad nila. Nagkaasawa at nagkaanak na sila. Ang isa ay biyuda na pero noong buhay pa ang mister n’ya ay nagka-affair siya sa driver nila na 27 years old lang.

Bukod kay  Chionglo, nakatakda rin magdirehe ng pelikula si Joel Lamangan para sa BG Productions ngayong 2018. Angela Lumunsad ang titulo ng pelikula ni Direk Joel at si Heart Evangelista ang magiging bida rito.

Posibleng ang Latay, sa direksiyon ni Ralston Jover ang pelikulang unang ipalalabas ng kompanya sa taong ito.

Halos tapos na rin ang Almost a Love Story sa direction ni Louie Ignacio at pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio. Sa ibang bansa ito kinunan.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *