Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

John Lloyd, ayaw malaos kaya panay ang post ng pictures

KAHIT parang takot na takot pang humarap sa publiko ang live-in lovers na sina Ellen Adarna atJohn Lloyd Cruz, halatang-halata naman na ayaw pa nilang malaos, ayaw nilang makalimutan sila ng madla.

Sayang nga naman ang potential nila na kumita pa ng milyones bilang showbiz idols. At yon ang dahilan kung bakit halos linggo-linggo ay post sila ng post sa Instagram ng pictures nila na ang ilan ay mahihiwaga.

Noong Huwebes (January 4) lang, nag-post si Ellen [@maria.elena.adarna] ng family photo nila sa Cebu at kasama si John Lloyd sa litrato.

Pero ang napuna ng dyaryong Inquirer sa isang picture na nakaupo ang buong pamilya ay ang parang sinadyang pagpapaupo kay John Lloyd sa harap ni Ellen na parang tinatakpan nito ang lower part ng katawan ng aktres na maluwag ang suot na puting damit.

Nagsususpetsa ang dyaryo na sinadya ‘yon para ‘di mahalatang buntis nga si Ellen.

Ang Inquirer ay isa sa mga dyaryong nagreport na posibleng may endorsement contract si Ellen na bawal magdalantao hanggang katapusan ng 2017. Noong September 2017 pa lang ay nagsimula nang mapabalitang may laman na ang tiyan n’ya, pero wala siyang tahasang inaamin.

Puwede siyang mademanda ng breach of contract kung may ebidensiyang nagdadalantao siya.

Noong December 23 hanggang Dec. 27, halos sabay o salitang nag-post sina Ellen at John Lloyd sa respective Instagram nila (@ekomsi ang Instagram ni John Lloyd) ng mga litrato na masisikip ang mga damit ni Ellen at flat na flat ang tiyan ng Seductress of Cebu. Ang petsa ng posting ng pictures sa Instagram ay ‘di nangangahulugang ‘yun din ang petsa na kinunan ang larawan.

Siguro naman ay kapag nagsilang na si Ellen ngayong 2018, aaminin na ng live-in lovers na nagsilang nga ang aktres. Pero parang sigurado na na habang nagdadalantao siya, lilibangin nila ang madla sa mga photo na ipu-post nila sa Instagram. Ayaw nilang malimot sila ng madla. Ayaw nilang tuluyan na silang mawalan ng showbiz career na napakalaki ng kinikita nila—na parang napakadali nilang kumita.

At malay natin, baka ‘di naman mademanda si Ellen ng kung ano mang kompanyang may endorsement contract siya. Kung magdemanda ‘yon, baka umalma sa social media ang mga tagahanga ng dalawa at magkaisa silang iboykot at siraan nang husto hanggang ang kompanya pa ang mag-apologize kay Ellen.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vivas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …