NAG-SKYDIVING pala si Maine Mendoza sa Miami, USA. Kaya ba ‘yon ni Alden Richards?
Eh ano nga ba ang skydiving?
‘Yon ‘yung da-dive ka sa kalawakan mula sa isang helicopter na lumilipad nang mataas na mataas para ma-enjoy mo ang feeling na para kang ibon na lumilipad. Pero naka-parachute ka naman. Kaya lang, naka-programa na ‘di agad bubukas ang parachute para ma-enjoy mo muna ang feeling na tinatawag na “free fall”: nahuhulog ka, ‘di ka inilulutang ng parachute.
Planadong-planado at kalkulado halos ang lahat ng magaganap sa skydiving. Alam ng piloto ng helicopter kung gaano kataas na ang nililiparan nito, at kung iyon na ang tamang altitude para mag-skydiving.
Actually, ang mga first time pa lang na mag-skydiving ay may parang kakabit sa likod n’ya na professional skydiver. At ganoon ang ginawang pag-skydive ni Maine sa Miami. Pero may guide man siya, nakanenerbiyos pa rin sa mga unang minuto ang tumalon at lumutang-lutang sa kalawakan.
At ang nerbiyos, takot, at thrill ng first ever skydive ni Maine ang inilahad nya sa posting n’ya sa Instagram [@mainecdm] noong January 1. Sa nerbiyos nga n’ya nang pag-dive nila mula sa helicopter, akala n’ya ay maiihi siya sa suot n’ya.
Pagtatapat n’ya: ”I have always wondered how it would feel to fly. How do birds feel when they soar through the sky. How it feels to see everything from up above. I was fortunate enough to experience this in the magic city— Miami.
“Funny thing, I almost cried while sitting inside the aircraft– incredibly nervous and happy– because DAMN I cannot believe I am actually doing this!
“(There is nothing more nerve-racking than the anticipation; from signing the waiver to the plane ride up; and when they open that motherfriggin door mid-flight! Jusko ang puso ko!)
“But when we jumped off, I felt nothing but absolute bliss. For the most part, it felt unreal to me. It was breathtaking– literally, too. It was amazing.
“Best part is I didn’t pee my shorts! Seriously though, I cannot believe I actually did it; I took the ultimate plunge! I was so freakin scared but still I made it alive. Lol!
“Next on my bucket list is to do it alone. (Charot, semi-not charot!) It made me realize most of the things worth doing starts with being nervous or terrified. You just gotta take the leap and make it happen.
“You might just be amazed at what you could achieve and how far your jump can take you ONLY if you take the chance. Sabi nga sa Nike, “just do it”!
“Some things are always worth a try. At the end of the day, chances are you’ll be thanking yourself for taking the risk because it made you happy… or at least alive.
“I hope we all get to experience new things and collect wonderful memories this 2018! Happy New Year, everybody.”
Oo nga pala, siguro naman ay napuna n’yong magaling magsulat si Maine. Tunog professional writer siya. At sa English, ha!
KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas