Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paulo Avelino, pinuri ni Lea

KAPURI-PURI at napaka-sensible talaga ng Pinoy International Star na si Lea Salonga. Alam n’yang ‘di lang ang pagwawagi ng major awards ng Ang Larawan ang magpaparami ng viewers at sinehan nito sa ongoing pa rin na Metro Manila Film Festival. 

Mas kailangang ipabatid sa madla na mahuhusay din ang performance sa pelikula ng mga aktor na mas kilala nila kaysa stage actors na mas nakararami sa cast, gaya nga ni Joanna Ampil na nagwaging Best Actress. At ‘yon nga ang ginawa ni Lea: pinuri n’ya sa sunod-sunod na tweets ang acting ni Paulo Avelino bilang Tony Javier sa Larawan.

Take note: hindi ang pagkanta ni Paolo ang pinuri n’ya, kundi ang acting n’ya.

Giit ni Lea sa kanyang Tweeter account noong 7: 30 a.m. ng December 30: ”If you’re a fan of #PauloAvelino, I urge you to watch his stellar performance in #AngLarawan. He doesn’t sing as well as the others, but his acting! He will be one of the greatest as he continues to grow!!!”

Sinundan ito ng tweet n’ya noong 12: 30 p.m. ng December 30 din. Tweet na ipinadala n’ya kay Paulo mismo. Heto ‘yon: “@mepauloavelino Hello, Paulo, allow me please to wish you CONGRATULATIONS on your achievement in #AngLarawan. Your work was absolutely riveting to watch. Without a doubt, you will be one of the greatest actors of your generation. From your fan, Lea Salonga.”

Tweet pa rin ni Lea noong 1:56 a.m. ng December 31: “Here’s the thing. He knows how to blur the line between good and bad, black and white, taking advantage of all those shades of gray. It’s incredible to watch.”

Agad n’yang dinugtungan ‘yon ng: “I mean, his acting skills are beyond what I would ever expect from an actor his age. He’s not a singer, but he is an exceptional actor.”  [ 1:57 AM – Dec 31, 2017  ]

Sugod na sa mga sinehan. Nadagdagan na ang pinaglalabasan ng Ang Larawan.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …