Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
coco martin ang probinsyano

Coco, hinahanap sa ASAP Live in Toronto; Taong Ibon, ‘di pa rin makaporma sa FPJ’s Ang Probinsyano

SA ginanap na ASAP Live in Toronto, tinanong kami ng ilang kaklase naming nakapanood ng show na naka-base na rin sa Canada kung bakit wala si Coco Martin? Naroon kasi ang leading lady niya sa FPJ’s Ang Probinsyano na si Yassi Pressman.

Ikinuwento namin na baka hindi naman inalok si Coco sa ASAP Live in Toronto kaya paano siya sasama? At higit sa lahat, wala na ring oras ang aktor dahil araw-raw ang tapings niya ng Ang Probinsyano bukod pa sa shooting niya ng Ang Panday na kalahok sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Si Coco kasi ang bida, director, at producer sa Ang Panday kaya siguro maski inalok ang aktor ay tinanggihan na niya ito.

Metikulosong direktor at producer si Coco kaya hindi niya maiiwan maski sandali ang shooting ng Ang Panday, di ba Ateng Maricris?

Sabi naman ng kaklase namin, “ay sinolo na ni Coco lahat? Hindi na niya kailangang mag-show, super yaman na ni Coco.”

Sobra lang talaga ang dedikasyon ni Coco sa trabaho niya na kapag inumpisahan na ay talagang tinatapos niya.

Kamakailan ay nag-post ang aktor tungkol sa mga sundalong nagbuwis ng buhay sa Marawi City, “itinaya ang buhay para sa bansa. Saludo po ako sa lahat ng mga sundalo!”

Bale ba ang umeereng kuwento ngayon sa FPJ’s Ang Probinsyano nitong nakaraang araw ay ang pakikipagsagupaan ng SAF sa mga rebelde at dahil nagapi sina Coco ay nahulog sila sa kamay ng grupo ni Lito Lapid na hindi siya namukhaan kaya tinanong kung sino siya (Cardo Dalisay) at bakit siya may sugat.

Anyway, nangunguna pa rin ang FPJAP sa primetime sa ratings na 39.8% nationwide at hindi pa rin kayang talunin ng mga Taong Ibon na nakakuha ng 18% nationwide noong Huwebes.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …