Sunday , November 17 2024

Maine, katanggap-tanggap bilang sex symbol

MUKHANG handa naman ang madla na tanggapin si Maine Mendoza bilang isang sex symbol.

Ang ebidensiya?

Biglang pasok na pasok siya sa contest ng FHM magazine para sa sexiest women in the Philippines. Nagdiwang ang mga kalalakihan (at malamang ay pati na ang lesbian) sa mga ipinost n’yang sexy pictures sa Instagram na parang humihiling ng pagsamba sa matagal na n’yang itinatagong kaseksihan. Mga kuha ‘yon sa very recent family vacation nila sa Maldives island resort. Ultimong ang GMA 7 na naniniwalang ”To God be the Glory,” ay inilabas sa news website nila ang mga litrato ni Maine na naka-bikini. Proud na proud ang network sa bagong sex symbol nila! Eh bakit nga naman hindi!

Happily, kahit naman pala parang nag-aambisyon si Maine na maging sex symbol, maayos na maayos ang takbo ng isip n’ya.

Ayaw n’ya ng gulo. Ayaw n’ya ng nag-aaway-away na fans. Ang gusto n’ya ay masaya ang lahat at magkakasundo.

Ipinaliwanag n’ya sa isang entry n’ya sa blog n’yang Maine Mendoza. com na ang posting na pagtatarayan ng fans ang dahilan kaya siya tumigil sa paggamit ngTwitter account n’ya. Nagkakagalit-galit, nag-aaway-away ang fans sa Twitter.

“Decided to take a break from Twitter too because Twitterworld’s been really toxic lately,” pagtatapat ng “phenomenal star” ng GMA 7 sa kanyang blog. At Inglisera pala ang Kalyeserye Queen!

Mahabang paliwanag pa n’ya bilang tugon sa isang comment: ”For the record, it was never about the ‘baddies’. Bashers are there 24/7 since the very beginning and I honestly do not mind about them. It’s just lately, some of the fans are the ones to start and engage in conflict; until things start getting blown out of proportion. It’s gotten to the point where fans are quarrelling with fans too, and not with bashers anymore. Like I have said, Twitter used to be a harmonious environment to all of us, remember the bayanihan days? Kalyeserye days? Pre-tamang panahon? Tamang panahon? I know things have changed but I hope we get to perpetuate the harmony among each of us.” Ingliserang-Inglesera siya, ‘di ba?

Very touching pa n’yang pagtatapos sa blog na yon, ”Stay positive and throw lamps on those people who need to lighten up! Life gets better when you don’t worry about much things. Stay on your own lanes.”

I like this very level-headed girl already. I’m sure kayo rin!

KITANG-KITA KO – Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *