Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bakit nanood si Mareng Winnie ng Wit sa Trinity University of Asia?

NAPAKAPAYAPA palang manood ni Winnie Monsod ng isang stage play. O baka naman mas tamang sabihing “napakahinhin.”

Noong Miyerkoles, nakatabi ko ang napakasikat na GMA 7 host-commentator sa Mandel Hall ng Trinity University of Asia sa E. Rodriguez Ave., QC sa panonood ng stage play na Wit. Ni hindi ko naramdaman na may umupo sa silya sa kaliwa ko. Abalang-abala kasi ako sa pakikinig ng welcome remarks ng Trinity University president na si Dr. Wilfred Uy Tiu. Pero panay ang sulyap ni Dr. Tiu sa area na kinauupuan ko and for awhile akala ko ang tinitingnan nito ay si Dr. Art Casanova na nasa kanan ko.

‘Pag lingon ko sa kaliwa ko…wow, ang sikat na GMA 7 commentator at economist! Napakatahimik pala n’yang nakaupo sa silya sa kaliwa ko. (Nasa front row po kami.) Palagay ko ay kasama n’ya ‘yung mga katabi n’ya.

Eh bakit naman “nagtitiyaga” si Mareng Winnie na manood ng play sa isang unknown venue na 150 lang yata ang seating capacity?

TAMI MONSOD po kasi ‘yung pangalan ng bidang babae sa Wit.

Anak nila ni former Comelec chairman Christian Monsod si Tami.

Mahusay at walang-pakundangang aktres si TAMI. Walang pakundangan siyang nagpakalbo para sa papel n’ya sa Wit.

KITANG-KITA KO – Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …