Thursday , December 19 2024

Pagkukuwento ni Ricky Lee sa Perfomatura Festival, dinagsa ng mga estudyante

FULLHOUSE sa mga estudyante ang pagkukuwento ni Ricky Lee sa final day ng Perfomatura Festival sa Cultural Center of the Philippines noong Linggo ng tanghali (April 2).

Kung sumipot kaya ang superstar na si Nora Aunor noong opening day ng festival na ’yon noong March 31, dumagsa rin kaya ang mga estudyante o ang samo’tsaring madlang Pinoy sa sharing n’ya bilang kapwa awardee ni Ricky ng Gawad CCP para sa Sining noong 2015?

“Performed Literature” ang ibig sabihin ng “Perfomatura,” salitang inimbento ng festival director na si Vim Nadera, isang premyadong manunulat, performance artist, at kasalukuyang director ng Philippine High School for the Arts. (Pero inaamin naman ni Nadera ibinatay din n’ya ang salitang “perfomatura” sa salitang “orature” na inimbento naman ng isang linguist mula sa bansang Uganda para mas simpleng patungkol sa “oral literature” o mga panitikang ‘di orihinal na nakasulat dahil binibigkas lang ang mga iyon.)

Kabilang ang pelikula sa mga panitikang ikinikilos o itinatanghal kaya isinalang sa festival sina Guy at Ricky.

Every two years lang idinaraos ang festival. ‘Yung katatapos lang ay pangalawang pagdaraos pa lang, dahil noong 2015 pa lang ito nagsimula.

Ang Gawad CCP para sa Sining naman ay ang pinakamataas na award na ipinagkakaloob ng CCP. Every three years lang ito ipinagkakaloob. Bago ang batch of awardees noong 2015 na kinabilangan nina Guy, Ricky, Armida Siguion Reyna, Tony Mabesa, at Fides Cuyugan-Asencio, ‘yung Batch 2012 ay kinabilangan naman ni Dolphy (bagamat yumao na ang “Comedy King” noong pinarangalan siya).

Ang tungkol sa pag-arte n’ya na nagwawagi ng award sa loob at labas ng bansa ang tatalakayin sana ni Guy kung sumipot siya noong 2:00 p.m. ng March 31 sa MKP Hall sa fourth floor ng CCP.

Matagal na siyang nakapirma ng kontrata para sa commitment na ‘yon, kaya nga ipinaimprenta na ng CCP para sa flyers and brochures nila para sa Perfomatura 2017 ang pangalan n’ya at pictures.

Ini-announce rin ng ng CCP noong media conference ng second week of March para sa Perfomatura 2017 ang pagdalo ni Guy sa festival sa unang araw nito.

Pero dalawang araw bago mag-March 31, may komunikasyong dumating sa Intertextual Division ng CCP na ‘di makasisipot ang superstar dahil biglang nag-iskedyul ang korte ng hearing para sa kasong isinampa nito kaugnay ng ilang ari-arian n’ya.

Ang Intertextual Division ng CCP ang namamahala ng Perfomatura, at wala silang magawa kundi kanselahin ang event ng superstar.

Isang literary scholar-writer-educator-si Leoncio Deriada, mula sa Cebu—ang nakatakdang makipaghuntahan sa madla noong second day ng Gawad CCP hour ng Perfomatura, at nang sumunod na tanghali ay si Ricky Lee nga ang panauhing Gawad CCP recipient.

Ayon sa Facebook posting ng kaibigan naming napaka-independent writer na si Ibarra Mateo: “Full House on a Sunday Afternoon… Ricky delights the young audience by narrating his weaknesses, his insecurities; he advises us to keep committing mistakes, part of a journey in discovering your inner voice and uncovering the subconscious self…” May picture ng event ang Facebook posting.

Si Ricky ay premyadong multi-media at multi-genre writer. Bagamat tiyak na marami sa mga kabataan ngayon ay kilala siya bilang napakahusay na scriptwriter sa pelikula, nanalo muna siya bilang manunulat ng maikling kuwento sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature bago siya nagsulat ng film scripts.

Sa paglaon ay nagsulat din siya ng stage plays, at ang isa roon ay ang DH (Domestic Helper) na isinulat n’ya para kay Nora, at naitanghal naman ng PETA noong 1992 sa direksiyon ni Soxie Topacio.

May panahong tumigil si Ricky sa pagsusulat ng film scripts at sa halip ay nagsulat siya ng nobela. Dalawa sa mga isinulat n’ya ay ang Para kay B at Si Amapola sa 65 Kabanata.

Si Ricky din ang sumulat ng script ng pelikulang Himala na nagpanalo kay Guy ng maraming acting awards mula sa iba’t ibang award-giving bodies.

KITANG-KITA KO – Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Sen Bong Revilla nang matanong kung …

Piolo Pascual TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de leon

TVJ handang makipag-collab kay Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus IBA talaga si papa Piolo Pascual dahil noong nakaraang Friday the 13th, sinolo …

Claudine Barretto Alfy Yan Rico Yan

Alfy kamunghang-kamukha ni Rico, papasukin din ang showbiz

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PERSONAL na sinamahan ni Claudine Barretto si Alfy Yan, pamangkin ni Rico Yan sa Viva Entertainment office last week. …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Boss Toyo hindi natanggihan si Bong Revilla 

I-FLEXni Jun Nardo BAGONG-DAGDAG sa cast ng third season ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik …

Atom panalo sa kasong ‘red-tagging’ vs Lorraine at Jeffrey

HATAWANni Ed de Leon LUMABAS na ang hatol ng Quezon City RTC  Branch 306 kina dating …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *