Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carediva, dapat panoorin ni Vice Ganda

MAY panahon kaya si Vice Ganda na manood ng plays? Sana mayroon. O sana maglaan siya ng panahon na manood.

At ang isang play na mairerekomenda namin sa kanya na panoorin before or after his February 14 concert sa Smart Araneta Coliseum ay ang musical na Carediva ngPhilippine Educational Theater Association (PETA).

Tungkol kasi sa mga bading ang Carediva. Tungkol sa limang bading na caregiver sa Israel na nagpipilit maging masaya sa pamamagitan ng pagpupursige nilang maging sikat na showgay sa bansa ng mga Jew (na alam n’yo bang ang Tagalog translation ay “mga  Hudyo”?). Limang bading na kahit na ang kontrata ay bilang caregiver pero mapagsamantalang ginagawang katulong sa bahay ng mga amo nila.

‘Di ba feel ni Vice Ganda na maging mulat sa kalagayan ng mga kababaro n’yang OFW?

Happily, ang ilan sa mga gaganap sa Carediva ay mga aminadong bading na well-accomplished bilang aktor, director, playwright, choreographer, at make-up artist—gaya nina Melvin Lee, Vince de Jesus, Duds Terrana, at Ricci Chan. At pati naman ang mga lalaking gaganap na bading sa pagtatanghal ay tinitingala rin bilang mga aktor—gaya nina Red Concepcion at Gio Gahol. (At alam n’yo bang ang machong si Gerard Napoles ay gumanap noong 2011 sa Carediva?

Palabas na sa PETA Theater Center ang Carediva at tatagal ito hanggang March 19, kaya marami pang araw at gabing pwedeng manood si Vice—at pati kayo na rin.

Actually, noong 2011 pa nga unang itinanghal ang Caregiver na naging hit din, bagamat hindi lang nga kasing tindi ng paghi-hit ng Rak of Aegis na kung ilang ulit ibinalik-balik ng PETA due to insistent public demand, ‘ika nga.

Kung hindi pa napapanood ng mag-asawang Jun Lana at Perci Intalan, pati na nina Boy Abunda, Jobert Sucaldito, at Ahwel Paz ang Carediva, sana manood sila this time around. May bagong members ng The Nihtingales na ilalahok bilang alternate niyong mga datihan na, halimbawa’y sina Red Concepcion nga at Gio Gahol. Limampung beses itatanghal ang Carediva mula Martes hanggang Linggo (Lunes lang ang pahinga), kaya anong malay natin baka may madagdag pang macho na magbabading o bading na bading na sumampa rin sa Carediva? (DANNY VIBAS)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …