Sunday , November 17 2024

JC Santos, lagare sa teatro, concert, TV at movie; Gay role at man to man role, game gawin

ISANG aktibistang pari ang pa-image ni JC Santos ngayon, matapos siyang hangaan ng madla sa papel ng ‘di-buking na bading sa Till I Met You (na pinalitan na ng mukhang napaka-interesting na My Dear Heart, starring Zanjoe Marudo at ang bagong child actress discovery ng ABS-CBN 2 na si Nayomi Ramos, kasama sina Coney Reyes at Bela Padilla).

Sa napaka-militanteng stage play na Buwan at Baril sa Eb Major, gumaganap na pari ngayon ang finally ay kinatatarantahang si JC.

Maraming reporters at bloggers ang nagpa-selfie kay JC noong press conference, Lunes ng tanghali para sa Buwan at Baril. Dati ay dinadaan-daanan lang nila si JC, halimbawa ay sa presscon at pagtatanghal ng musical na Kung Paano Ako Naging Leading Lady, na may character role siya.

Kinukuha na rin si JC para sa mga ibang klaseng projects, halimbawa’y sa concert ni Bituin Escalante sa Music Museum sa February 10, na siya lang ang guest performer na lalaki. Ganoon kasikat si JC ngayon.

May nakalinya nang pelikula sa Star Cinema si JC at bagong teleserye sa ABS-CBN 2, pero ‘di pa siya puwedeng magbigay ng mga detalye sa ngayon tungkol sa mga project na ‘yon.

Sa group interviews sa presscon ng Buwan at Baril, may nagtanong sa kanya kung tatanggap pa rin siya ng gay roles o ‘yung may man-to-man sex whether sa TV, films, or stage.

Deretsahan n’yang sagot, “Oo naman. For as long as may kuwento, may kabuluhan ‘yung gay o man-to-man love scene sa kuwento. Gaya nga niyong sabi ni Direk Andoy kanina, dapat tayong magkuwento dahil halos lahat tayo ay may natutuhan mula sa kuwentong totoo at ‘di-kasinungalingan.”

Ang “Direk Andoy” na binanggit n’ya ay si Andoy Ranay, direktor ng Buwan at Baril at co-director din ni Antoinette Jadaone sa Till I Met You.

Tungkol sa Martial Law noong Dekada 70 at 80 ang Buwan at Baril: mga kuwento ng iba’t ibang uri ng mga Pinoy na pinagdusa, itinago, at pinaslang ng mga pulis at militar. May pari, misis, katutubo, manggagawa, estudyante, at socialite.

Nasa cast din ang mainstream film-TV actresses na sina Cherry Pie Picache at Jackilou Blanco, kasama ang stage actors na sina Angeli Bayani, Jojit Lorenzo, Mayen Estanero, Crispin Pineda, Paolo O’Hara, Rey Domingo, Joel Saracho, at Ross Pesigan.

Palabas na ngayon ang Buwan at Baril sa Yuchengco Theater sa Bantayog Center na katabi lang ng Centris mall sa kanto ng EDSA at Quezon Avenue, QC. Mula Huwebes hanggang Linggo ang pagtatanghal hanggang February 12, at 3:00 p.m. and 8:00 p.m.. Para sa tickets, tumawag kay Gian Viatka sa 0917 845 6200.

KITANG-KITA KO – Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *