FEELING namin ay ngayon na ang tamang panahon na itanong ito: mas kumita kaya ang Saving Sally ni Rhian Ramos kung mas Tagalog/Filipino ang dialogo ng pelikula kaysa Ingles?
Kung di n’yo pinanood ang kakaiba pero maganda naman at kaaya-ayang pelikula, posibleng di n’yo pa alam na 95% ng usapan sa pelikula ay sa Ingles.
Ewan kung bakit nagkaganoon: dahil kaya Inglisero ang direktor nito na si Avid Liongoren pati na ang scriptwriter na si Charlene Sawit-Esguerra? (Nakaharap namin sa press conference ng pelikula ‘yung dalawa, kaya alam namin kung paano sila magsalita.) O dahil ba pangarap ni Avid (at reasonable na pangarap naman ito) na maipalabas ang Saving Sally sa international festivals at makatitipid ang produksiyon na hindi na ito kailangan ng subtitles (o i-dub) sa Ingles kung Ingles na mismo ang dialogo sa pelikula?
Posible rin na sa Ingles na pinag-dialogo ni Avid ang mga artista ng Saving Sallydahil napuna n’yang in real life ay mas ma-Ingles din naman magsalita ang lead stars n’yang sina Rhian Ramos, Enzo Marcos, at TJ Trinidad kaysa mag-Tagalog.
Kaya lang naman namin naiisip na i-analyze kung mas kumita siguro ang Saving Sally kung mas Tagalog ito kaysa Ingles. As it is, despite the film’s being almost entirely in English, pumang-apat pa ito sa kita sa takilya among the eight entries sa2016 Metro Manila Film Festival (MMFF). Magandang achievement na rin ‘yon, ‘di ba?
Pero paano nga kung ginawang mas maraming Tagalog/Filipino ang dialogo ng pelikula kaysa Ingles? ‘Di kaya mas maraming kabataan ang dumagsa para manood ng pelikula?
Kaya siguro nag-number 1 sa takilya sa mga probinsiya noong MMFF 2016 angVince & Kath & James ng Star Cinema ay dahil Tagalog ang dialogo ng pelikula na tungkol sa mayayamang college students. Hindi Inglisero at Inglisera sina Vince (Joshua Garcia), Kath (Julia Barreto), at James (Ronnie Alonte).
Gayunman, may isa pa kaming pero; pero paano kung ipinalabas (publicized) at nai-promote ang Saving Sally as ”a Filipino film in English,” ‘di kaya dumagsa roon ang mga social-climber at colonial-minded na Pinoy na sumusugod sa Hollwood movies na hyped na hyped? ‘Di naman lahat ng sumusugod ngayon saLa-la-land ay naiintindihan ang bawat kanta sa Hollywood musical hit na ‘yon.
Baka naman nag-benefit ang Saving Sally sa colonial mentality ng mga Pinoy kung ibinando ng producers noong MMFF 2016 na ”Filipino film in English” ang pelikula ni Ramos.
KITANG-KITA KO – Danny Vibas