Sunday , November 17 2024

Ronnie Alonte, ‘di man pang-award ang acting, ‘di rin naman tuod

VERY promising young actor naman pala talaga si Ronnie Alonte na nagkaroon ng dalawang entries sa MMFF 2016, ang Vince & Kath & James ng Star Cinemaat ang Seklusyon ng Reality Entertainment.

Alam n’yo na sigurong sa kita sa takilya ng MMFF 2016 na opisyal na nagtapos noong January 4, number 2 sa kita ang Seklusyon at number 3 ang Vince & Kath & James.

Siguradong may kontribusyon si Ronnie sa atraksiyon ng pelikula sa madla. ‘Di man masasabing pang-award agad ang acting n’ya, sinisiguro namin sa inyo na hindi naman siya tuod sa parehong pelikula. Masigla at may saysay naman ang acting n’ya kahit na kauna-unahang pagganap n’ya ang dalawang pelikulang yon.

Pam-bagets ang unang nabanggit na pelikula na kasama n’ya sina Julia Barreto at Joshua Garcia bilang pangunahing bituin. Si Ronnie ang James sa istorya na isa siyang varsity player na nagka-crush sa campus beauty queen (Julia). Kaso ‘di siya magaling manligaw kaya ang best friend n’yang si Vince (Joshua) ang pinapa-text n’ya kay Kath ng hugot lines.

Actually, ‘di lang naman mag-best friend sina Vince at James kundi magpinsan din. At nakatira si Vince kina James dahil ayaw ng stepfather n’ya sa kanya. Anak si Vince sa pagkadalaga.

Halos busuhin ni James ang kabaitan sa kanya ni Vince, na ‘di nakapanligaw man lang kay Kath na mas nauna n’yang nakilala dahil pareho silang engineering ang kinukuha sa college na pinag-aaralan nila. Pati nga thesis proposal ni Vince, ipinakopya n’ya kay James—at pareho nilang pinagsisihan ‘yon sa paglaon.

Sasagutin ni Kath ang panliligaw ni James sa kanya thru texting, at ‘di alam ni Kath na ang madalas mang-inis sa kanyang si Vince ang lihim na nagpapadala sa kanya ng hugot lines na ‘yon para magustuhan n’ya si James.

Magkakaroon ng mga komplikasyon sa istorya na maghahantong kay Kath na mas magustuhan na si Vince. Lilitaw naman ang pagiging gentleman at magnanimous ni James at tatanggapin n’ya ang pagkakagustuhan ng pinsan n’ya at ni Kath.

Ang Seklusyon ay isang psycho-drama na sa publicity ay binansagang ”horror.” Gumanap si James bilang isa sa apat na seminarians na nakatakda nang maging pari pero kinailangang padaanin sa isang matinding pagsubok sa pamamagitan ng paghihiwalay (seklusyon) sa kanila sa isang bahay sa isang liblib na lugar na napapabalitang minumulto.

Isa sa mga dapat gawin ng apat na seminarista ay magmuni tungkol sa mga matitindi nilang nakaraan at tingnan kung paano nakaapekto ‘yon sa desisyon nilang magpari. Mumultuhin sila sa kanilang budhi at isipan ng mga tao na nawasak ang buhay dahil sa desisyon nilang magpari.

Ginampanan ni Ronnie ang karakter na Miguel na nagpasyang magpari kahit na nabuntis n’ya ang girlfriend n’ya na sa paglaon ay nag-suicide.

Ang Vince & Kath & James ay idinirehe ni Ted Borobol samantalang ang Seklusyon naman ay idinirehe ni Eric Matti. Wala sa orihinal na intensiyon ng Star Cinema na isali sa MMFF 2016 ang Vince & Kath & James dahil ang gusto talaga nilang isali ay ang Super Parental Guardians nina Vice Ganda at Coco Martin, pero noong mapanood ng Star Cinema executives ang pelikula nina Ronnie, Julia, at Joshua, nagpasya silang i-submit din ito sa MMFF. At ito ang napili ng selection committee.

Si Ronnie ay miyembro ng Hashtags, isang all-male group ng singers-dancers na binuo ng ABS-CBN para maging dagdag na Kapamilya stars na lilibang sa madla. Regular performers sila sa It’s Showtime at ASAP.

KITANG-KITA KO – Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *