Thursday , December 19 2024

Hindi ako nag-aplay sa SC gayundin sa Ombudsman — Atty. Acosta

TALAGA palang may mga taong nag-aakalang pipitsuging abogada lang ang hepe ng Public Attorney’s Office na si Persida Acosta.

Ganoon kaya ang perception nila sa kanya dahil ‘di siya nag-i-Ingles kundi naman kailangan at kung um-Ingles siya ay ‘di siya pa-American accent na gaya ni you-know-who na kontrobersiyal ngayon dahil sa panlalalaki n’ya?

Nakipag-reunion kamakailan ang PAO chief sa showbiz press na sumuporta sa kanya noong host pa siya ng isang legal show sa TV5. Isa sa mga ginawa n’ya sa luncheon reunion na ‘yon ay i-highlight ang background n’ya bilang abogada: 4th placer pala siya sa bar (pagsusulit para maging lisensiyadong manananggol) noong 1989. Wala namang napabalitang repeater sa pagkuha ng bar exam na napabilang din sa topnotchers.

Ini-announce n’ya sa mikropono ang background n’ya bago siya na-appoint na PAO chief sa administrasyon ni President Gloria Arroyo. Namigay din ang staff n’ya sa PAO ng apat na pahinang curriculum vitae n’ya.

Alam n’yo bang sa dalawa o tatlong taon na pagpapa-party ni Mrs. Acosta para sa press, noong Lunes lang n’ya ini-announce na fourth placer pala siya sa bar.

Last year (o sometime this year din ba ‘yon?), ibinalita n’ya sa press na may doctorate na siya sa Social Development na natapos n’ya sa University of the Philippines. Actually, sa curriculum vitae n’ya, ginagamit na ang “Dr. Acosta” para patungkulan siya.

Nakarating na nga siguro sa kanya ang bulong-bulungang bar flunker siya bago nakapasa finally. For some reasons, may naghahambing sa kanya kay Sen. Leila de Lima na naging bar topnotcher muna at sikat na abogada bago naging Justice Secretary at (kontrobersiyal na) senadora nga ngayon.

Alam din n’yang may mga nag-iisip na anti-women siya at walang karapatang mangarap man lang na maging isa sa mga justice of the Supreme Court dahil sa sagot n’ya sa mga tanong sa kanya ng Judicial Bar Council noong interbyuhin siya para sa “application” n’ya na maikonsiderang pumalit sa mga miyembro ng Supreme Court ‘pag isa-isa na silang nag-retire habang si Digong Duterte pa ang pangulo.

“Ilang gabi ring nahirapan akong matulog dahil sa mga usap-usapan tungkol sa akin,” pag-amin n’ya.

“Gusto kong linawin na ‘di naman ako nag-apply na pumalit sa kung sino mang magri-retire na Supreme Court justice. Hindi naman ganoon ang proseso eh. Kailangang may mag-nominate sa ‘yo roon sa JBC. Ini-nominate ako ni Sen. Juan Miguel Zubiri.

“Pinag-isipan ko na darating din namang magri-retire ako sa government service—mga 10 years from now. Part ng career path ng mga abogado ang maging huwes o maging mahistrado ng Supreme Court. May ilang taon na rin akong naglilingkod bilang chief public attorney. Puwede rin naman ako sigurong maging huwes o mahistrado. Kaya hayun, tinanggap ko ang nominasyon ni Sen. Zubiri, at dumalo ako sa interview na ipinangumbida sa akin,” mahabang paliwanag ni Dr. Acosta.

Di n’ya tinatanggap ang batikos na anti-women siya sa pagsasabi n’ya na kailangan talagang manatiling mas mabigat ang parusa sa mga babaeng mangangalunya dahil malaking pinsala sa kapakanan ng bansa kung maraming babaeng may asawa pero magkakaanak nang ‘di kilala ang ama—dahil nagtaksil ang misis.

“Hindi ‘yon pagiging anti-women kundi pagsasakatuparan lang ng mga probisyon sa ating Konstitusyon na kailangan nating pangalagaan ang kinabukasan ng bansa.

“As far as I am concerned, tama ang sagot, maganda ang sagot ko, dahil ang tungkulin ng mga mahistrado ay ipatupad ang ating Constitution at pangalagaan ang kinabukasan ng bansa, pati na ang mga susunod na henerasyon.”

Pinabulaanan ni Atty. Acosta na nag-a-aply din siyang maging Ombudsman. “Wala namang mababakanteng puwesto roon at hindi naman nga nag-a-apply ang mga justice roon. Ininu-nominate rin sila, at hindi nakaugaliang i-nominate ng mga abogado o huwes ang sarili nila,” pahayag pa ni Atty. Acosta.

KITANG-KITA KO – Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Sen Bong Revilla nang matanong kung …

Piolo Pascual TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de leon

TVJ handang makipag-collab kay Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus IBA talaga si papa Piolo Pascual dahil noong nakaraang Friday the 13th, sinolo …

Claudine Barretto Alfy Yan Rico Yan

Alfy kamunghang-kamukha ni Rico, papasukin din ang showbiz

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PERSONAL na sinamahan ni Claudine Barretto si Alfy Yan, pamangkin ni Rico Yan sa Viva Entertainment office last week. …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Boss Toyo hindi natanggihan si Bong Revilla 

I-FLEXni Jun Nardo BAGONG-DAGDAG sa cast ng third season ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik …

Atom panalo sa kasong ‘red-tagging’ vs Lorraine at Jeffrey

HATAWANni Ed de Leon LUMABAS na ang hatol ng Quezon City RTC  Branch 306 kina dating …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *