Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nicco, sikat at mas kilala sa teatro

SIKAT na talaga si Nicco Manalo bilang isa sa mga pangunahing lead aktor sa entablado sa bansa.

Si Nicco ay anak ng Eat Bulaga host-comedian na si Jose Manalo, na lutang na lutang pa rin naman ang pangalan dahil sa pagganap n’ya sa Kalye Seryeng Aldub sa nasabing noon time show.

For the second time this year, bida na naman si Nicco sa isang malaking pagtatanghal sa entablado: ang Mula Sa Buwan, adaptasyon sa Filipino ng napakasikat sa teatro at pelikula na orihinal na dulang French na Cyrano de Bergerac.

Nagsimula ang 2016 sa pagiging bida n’ya sa 3 Stars and a Sun ng Philippine Educational Theater Association noong February. At ngayong Disyembre 2-4 ay pangunahing bituin nga siya ng Mula sa Buwan na itatanghal sa Irwin Allen Theater ng Ateneo de Manila University sa Katipunan Avenue, Quezon City.

Para sa mga tao na hindi naman haling sa panonood ng noontime shows, ganito na ngayon ang tsikahan: “Tatay pala ni Nicco Manalo ‘yung Jose Manalo sa ‘Eat Bulaga’.”  Hindi na: “Ah ‘yung si Nicco Manalo na anak ni Jose Manalo, ‘yung komedyante sa ‘Eat Bulaga’.” Sa mga mahihilig sa teatro ganoon ang usapan.

Established na talaga si Nicco sa mundo ng teatro sa Pilipinas. Parang hindi na nga siya madalas lumabas sa indie films, na may ilang taon din siyang naging abala. Nagwagi pa nga siyang Best Supporting Actor noon sa Cinemalaya para sa pagganap n’ya sa The Janitor na idinirehe ni Michael Tuvera, anak ni Antonio P. Tuvera, producer ng Eat Bulaga.

Sa entablado, naging pangunahing bituin na rin si Nicco sa The Kleptomaniacs ng Tanghalang Pilipino sa Cultural Center of the Philippines at sa  This is Our Youth ng Red Turnip Theater.

Samantala, ang Cyrano de Bergerac na pinagbatayan ng Mula sa Buwan ay tungkol sa isang sundalo na matapang, matalino, magaling sa duwelo sa espada, romantiko, magaling magsalita, at sumulat ng tula. Ang diperensya n’ya ay napakalaki ng ilong n’ya at napaka-mainitin ng ulo n’ya, kaya’t madalas siyang mapaaway.

May love of his life nga pala si Cyrano—si Roxane, na di n’ya maligawan, dahil nahihiya siya.

Noong 1897 pa ito unang itinanghal sa France, mula sa panulat ni Edmond Rostand. Noong 1920’s lang ito nagkaroon ng English version at itinanghal sa mga teatro roon. Sinundan ‘yon ng pag-a-adapt ng dula sa pelikula. Rito sa bansa, nakagawa ng isang pelikula si Dolphy na batay sa Cyrano de Bergerac.

Ang Mula Sa Buwan ay isang musikal mula sa panulat ni Pat Valera na siya ring magdidirehe ng pagtatanghal. Ang musika nito ay likha ni William Manzano, na siya ring lumikha noon ng musika na Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros.

Tumawag sa Ticketworld para sa mga presyo ng tiket at schedule ng pagtatanghal.

KITANG-KITA KO – Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …