Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kuya Bodjie, ‘di kilala ng mga blogger

HANGGANG ngayon pala ay maraming Pinoy na ang alam ay sa pambatang TV show lang noon na Batibot naging aktor si Bodjie Pascua.

Maski ang mga kabataang blogger na naiimbita sa mga press conference ng Philippine Educational Theater Association (PETA) ay nagugulat na kasali sa cast—at sa isang major role—si Kuya Bodjie na sa Batibot lang nila napapanood noon.

Nagulat kami sa ganoong reaksiyon ng maraming bloggers sa presscon ng 3 Stars and a Sun ng PETA noong nakaraang Enero ng taong ito. Happily, sa media launch ng kompanya sa latest production nilang The Tempest Reimagined, wala nang nagtaka na may major role roon ang kilalang si Kuya Bodjie.

Na-Google na kaya ng mga kabataang ‘yon na halos 20 taon na ang nakararaan, siya ang bida sa Canuplin, isang 3-act play tungkol sa isang sikat na komedyante noong panahon ng bodabil (“vaudeville” sa Ingles) sa bansa na ang nagtanghal ay ang PETA?

Actually, bago pa man siya sumikat sa telebisyon bilang Kuya Bodjie kilala na siya bilang mahusay na actor ng PETA. Sa Amerika siya nag-aral ng theater acting ng pormal bagamat sa San Beda College pa lang dito sa bansa ay lumalabas na siya sa entablado noong nasa high school siya roon.

Si Gonzalo si Kuya Bodjie sa The Tempest Reimagined; si Gonzalo ay isa sa mga biktima sa Leyte ng pananalanta roon ng bagyong Yolanda.

Isang napaka-unique na pagtatanghal ng The Tempest Reimagined dahil adaptasyon ito sa Philippine setting ng The Tempest ni William Shakespeare. Bagamat Filipino/Tagalog ang mga dialogo sa maraming bahagi ng pagtatanghal may ilang bahagi na Ingles ang salita ng ilang tauhan. May kinalaman sa isang unos (bagyo!) ang orihinal na dula, kaya naisip ng PETA, sa pakikipagtulungan sa British Council at Japanese Foundation, na ikumbida ang orihinal na Tempest sa istorya ng Yolanda sa Leyte.

Sa Nobyembre 11 na magsisimulang ipalabas ang The Tempest Reimagined sa PETA Theater Center sa likod ng Quezon City Sports Club sa E. Rodriguez Avenue. Tatagal ito hanggang first week of December. Tuwing weekend lang ang palabas. Tumawag sa Ticketworld para sa availability ng tickets.

May ka-alternate nga pala si Kuya Bodjie bilang Gonzalo: ang chubby TV comedian na si Gabe Mercado na actually ay matagal nang stage actor at teacher ng tinatawag na “improv acting.”

KITANG-KITA KO – Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …