Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Markki Stroem, pinupuri ang galing sa musical play

SINA Erik Santos, Markki Stroem, at ang mga nagwagi sa The Voice Kids ang ilan sa mga makakasama ng dancers ng Ballet Philippines sa pop ballet show na Awitin Mo at Isasayaw Ko sa Cultural Center of the Philippines (CCP) sa darating na Disyembre.

Dahil pop ballet show nga iyon, malamang na may mala-ballet na dance moves ang Kapamilya stars na tampok sa pagtatanghal.

Posibleng may kinalaman sa showbiz ang istoryang isasayaw at aawitin sa pagtatanghal. After all, ang taga-showbiz na si Bibeth Orteza ang susulat ng script nito.

Sa ngayon, ‘di pa namin nakukompirma kung si Gerard Salonga ang magiging musical director ng pagtatanghal o magko-conduct “lang” siya ng kanyang ABS-CBN Orchestra na tampok na tagasaliw ng pagtatanghal na, siyempre pa, ay magsu-showcase naman ng Original Pilipino Music. Alam n’yo na sigurong nakababatang kapatid ni Lea Salonga si Gerard, at pareho silang sa showbiz nagsimula.

Mukhang ang ABS-CBN Orchestra na ang paborito ng Ballet  Philippines na tampok na tagasaliw sa mga pagtatanghal nila. Ang grupo rin ang sumaliw sa katatapos lang na makasaysayang pagtatanghal na Simoun, ang bagumbagong ballet adaptation ng El Filibusterismo na likha ni Paul Alexander Morales, artistic director ng Ballet Philippines. Actually, hindi lang ang ballet choreography ng pagtatanghal ang bago kundi pati na ang napaka-dynamic na musika nito na likha ni Jed Balsamo, na maaaring siya ring maging direktor ng Awitin Mo at Isasayaw Ko. Malawak ang kakayahan ni Jed sa musika. (Siya rin ang chairman ng First To-Farm Song Festival, kung di n’yo pa alam.)

Samantala, maengganyo na kaya si Erik na ilahok sa singing career n’ya ang pagganap sa teatro pagkatapos n’ya itong unang matikman sa pagtatanghal ng Ballet Philippines? As far as we know, ito ang kauna-unahan n’yang pagsalang sa teatro. Malay natin, baka maibigan n’ya, gayarin nang nasimulan nang gawin ni Gerard Santos sa musical na Pedro Calungsod.

Si Markki ang matagal nang napaka-versatile na performer. Maganda ang review sa performance n’ya sa katatapos lang itanghal na musical na Ingles na Jersey Boys. Nag-enjoy din ang madla noon sa pagganap n’ya sa magkahalong Ingles at Tagalog na musical na Kung Paano Ako Naging Leading Lady.

Sumikat na sana nang husto ang mahusay at sweet na si Markki. Nadiskubre naming kahit ilang taon na siyang nasa entertainment and culture, marami pa palang ‘di nakakakilala sa kanya. May kaibigan kaming hangang-hanga sa kanya sa Jersey Boys at pagkatapos n’ya itong mapanood ay tinawagan kami kung gaano katagal na sa musical theater scene si Markki at kung nagsu-showbiz din ito. Eh pati nga sa indie films ay nakaganap na rin si Markki.

Naniniwala kaming sisikat din nang husto sa showbiz at sa arts-and-culture si Markki.

KITANG-KITA KO – Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …