MATAPOS ang anim na hearing, tuluyang tinapos ng Senate Justice Committee ang imbestigasyon ukol sa umano’y extrajudicial killings sa ilalim ng administrasyon ni PRESDU30.
Ngayong araw na ito ay maglalabas sina Sen. Richard Gordon ng report tungkol sa naganap na mga hearing. Si Sen. Panfilo Lacson ang nag-suggest na itigil na ang hearing tungkol sa EJK.
Bago tapusin ang hearing, ang chairperson ng Commission on Human Rights na si Chito Gascon ay pinayagan magsalita. Binigyan ng assurance ni Gordon si Gascon na isasama niya sa committee report ang affidavits ng witnesses ng CHR.
FVR HINDI SASAMA SA CHINA
Hindi sasama si dating Pangulong FVR sa pagbisita ni PRESDU30 sa Beijing, China next week from October 18-21. Ito ay ini-announce ni Presidential Communication Secretary, Martin Andanar.
Matatandaan, si FVR ay ini-appoint ni PRESDU30 bilang Special Envoy to China ng Filipinas. Hindi naman nagbigay ng rason si FVR kung bakit hindi siya sasama sa China. Para kay Andanar, hindi sasama si FVR upang magbigay-galang kay PRESDU30 at maiwasan na mahati ang atensiyon sa kanila doon.
Kung matatandaan, noong isang linggo, nagpahayag ng pagkadesmaya si FVR sa unang 100 days ni PRESDU30.
UMALI: “ALL ROADS
LEAD TO LEILA DE LIMA”
Ayon kay House Committee on Justice Chairperson Reynaldo Umali, ang lahat ng witnesses at ang mga testimony nila, ay papunta lahat kay De Lima. Ang mga testimonya raw kasi nila ay hindi nagbabago at kung pagsasama-samahin ang madidiin ay si De Lima.
Dagdag niya, iisang panig lang ang naririnig ng committee, sapagkat hindi naman nagpupunta si De Lima sa mga hearing.
Si De Lima ay naniniwala na ang mga witness ay pinilit lamang para mag-testify against her. Dagdag ni Reynaldo, si De Lima mismo ang nagsabing dalhin si Sebastian sa committee at imbestigahan. Iisa rin ang kuwento ni Sebastian at itinuro pa mismo si De Lima bago matapos ang testimonya.
Naniniwala si Umali na ang inmates ay credible witnesses dahil sila mismo ang nakakikita ng nangyayari sa loob ng Bilibid.
39 KATAO SUGATAN
SA MANILA CITY JAIL
Umabot sa 35 inmates at 4 jailguards ang sugatan sa nangyaring protesta sa Manila City Jail noong Hwebes.
Ang iba ay nahulog sa pag-akyat ng bubong, kaya na-injured. Ang mga nagprotesta raw ay mga miyembro ng Batang City Jail. Ito ay matapos magbaba ng order ang warden na si Bantag na pagsasama- samahin ang drug suspects sa isang dormitoryo.
Ayon kay Bantag, ang mga Batang City Jail lang naman ang ayaw sumunod sa nasabing order. Sinabi rin niya na matutuloy ang nasabing segregation ng mga preso kahit pa may nangyaring noise barrage.
MGA KUWENTO NI MRS. OX
ni Marnie Stephanie Sinfuego