MAKARAAN mapaulat ang sinasabing pagbibigay ni Raymond Dominguez ng tip kaugnay sa natagpuang 10 kilo ng shabu sa Pampanga, dinala sa ospital Bilibid inmate.
Kinompirma ito ni Bureau of Corrections Officer in Charge Rolando Asuncion base sa natanggap niyang impormasyon mula sa pamunuan ng New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay Asuncion, nasa NBP Hospital si Dominguez at hindi makausap.
Ngunit nilinaw ni Asuncion, hindi binugbog si Dominguez kundi tumaas ang kanyang blood pressure.
Pinag-ehersisyo aniya si Dominguez ng Special Action Force at pumayag naman siya.
Posible aniyang kaya hindi makausap si Dominguez dahil sa taas ng blood pressure.
Nauna rito, sinabi ni Region 3 Police Director, Chief Supt. Aaron Aquino na si Dominguez ang nagturo sa 10 kilo ng shabu na pag-aari ng Chinese drug lord na si Wai Kou Cuia o alyas Ryan Ong na nakakulong sa building 14 ng NBP.
Si Dominguez ay nakakulong din sa Building 14 at magkaselda sila ni Ong.
(LEONARD BASILIO)