Sunday , December 22 2024

Serial killer si Digong

UMALMA ang ilang senator sa naging pahayag ng isang French newspaper. Tinawag nitong serial killer si PRESDU30, dahil sa dami ng bilang na nasasawi sa laban ng administrasyon sa droga.

Ayon kay Senate President Koko Pimentel III, ang French newspaper ay unfair, sapagkat ni wala naman silang ginawang imbestigasyon sa alleged extra judicial killings sa bansa.

Sumang-ayon si Sen. Ping Lacson kay Pimentel at sinabing, “it was exaggerated” dahil wala namang personal na kaalaman ang mga French sa nangyayari sa Filipinas. Nagbigay din ng reaksiyon si Majority Leader Vicente Sotto III at sinabing, ‘wag na bigyan ng pansin ng administrasyon ang nagsulat nito dahil baka ang mga may ayaw kay PRESDU30 ang nasa likod nito.

Ang 4-page article ng nasabing French newspaper ay may banner headline na “RODRIGO DUTERTE, THE SERIAL KILLER PRESIDENT.”

PRESDU30 HINDI SASANDAL

SA KAPANGYARIHAN

Sa isang pahayag ni PRESDU30, sinabi niya at nangako siya na magku-quit siya bilang Pangulo, kung siya ay magtatagumpay na mabago ang Filipinas from Unitary to Federal form of government.

Kapag naging successful daw siya na baguhin ito, masaya raw siyang magre-resign kahit hindi niya tapusin ang 6 years niyang termino. Ayaw din niya magtagal sa puwesto kung hindi na siya kailangan.

Naniniwala rin si PRESDU30, na ang mga kalaban niya sa politika ay gusto siyang maalis sa kaniyang puwesto. Kahit siya ay ma-impeach or magkaroon ng coup, hindi siya takot maalis sa kaniyang puwesto.

LACSON ON DE LIMA

Sa tingin ni Sen. Panfilo Lacson, ang mga testimonya ni JB Sebastian at Herbert Colanggo sa House Hearings ay may kaugnayan sa isa’t isa. At kung pagsasamasamahin ang mga testimonya, ay napakabigat laban kay Sen. Leila De Lima.

“Mabigat, ‘di lang kay JB, pati ibang testimonies, ‘di natin alam as of now kung totoo. Pero sabi nga ni Rep. Veloso (kung) stand alone walang value ang statements. Pero kapag tinahi-tahi mo, meron kang mabubuo na conclusion,” ani Lacson.

Para kay Lacson, mabigat na kaparusahan ang naghihintay para kay De Lima kapag mapapatunayan na siya ay guilty.

NO WINDOW HOURS

Para sa mga hindi pa nakaaalam, ang MMDA ay may bago nang implementation regarding color coding. Starting October 17, ang color coding ay walang pipiliin na oras. Sapagkat ito ay buong araw na. Magkakaroon ng dry run ang bagong rule ng MMDA simula October 12- 14.

No window hours will strictly be recognized sa C5, EDSA, Makati, Las Piñas, Mandaluyong, Roxas Blvd. at at Alabang Zapote Road.

MGA KUWENTO NI MRS. OX

Marnie Stephanie Sinfuego

About Marnie Stephanie Sinfuego

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *